Nagpapagaling na ang volleyball star na si Alyssa Valdez matapos magkaroon ng dengue.
Noong Agosto 19 ay inanunsyo ng Philippine National Volleyball Federation na hindi sasali si Alyssa sa Asian Volleyball Confederation Cup (AVC) for Women at ito ay dahil sa komplikasyon nga ng dengue.
At noong Agosto 31 ay idinetalye naman ni Alyssa ang mga paghihirap niya nang magka-dengue siya. Alinsunod dito, ang mga unang araw ay masama para sa kanya. Nakaranas siya ng mataas na lagnat, pananakit ng katawan, at sakit ng ulo. Lumalala ang kanyang sitwasyon, hindi siya nakakain o nakainom ng kahit ano.

Pagkaraan ng isang linggo ay nagsimula ang mga komplikasyon at namaga ang kanyang atay na naging dahilan ng kanyang pagpasok sa ospital. Nakaranas din daw ng pagdurugo ang manlalaro.
Ang kanyang platelet count ay patuloy ding bumaba at umabot sa mapanganib na bilang na 37. Pinayuhan siya ng mga doktor na magpasalin ng dugo.
Ayon kay Alyssa, “My first few hours in the hospital were very crucial. Waited for all the lab results and thankfully my doctors decided not to push through with the transfusion. Thank God everything slowly got better!”

Kailangan pa niyang dumaan sa ilang pagsubok ngunit tiniyak niya sa kanyang mga tagahanga na siya ay ligtas na at nagpapagaling na lamang. Hinihintay na lang ni Alyssa ang resulta ng final test na ginawa ng mga doktor bago siya tuluyang makauwi.
Nagpasalamat naman si Phenom sa lahat ng nagdasal para sa kanya at sa mga taong inalagaan siya habang siya ay nasa ospital.
Samantala, ang kanyang koponan ay nagtapos sa pang-anim na pwesto sa AVC. Ang huling laban ng koponan ng Pilipinas ay laban sa Chinese Taipei ngunit nabigo silang ipanalo ito sa iskor na 26-28; 21-25; 21-25.
READ ALSO: