Heart Evangelista nagbago ang pananaw pagdating sa shopping

Inamin ng Kapuso actress na si Heart Evangelista ang pagbabago ng kanyang puso pagdating sa usaping “shopping.”

Ikinasal ang Kapuso actress at fashion icon kay dating Sorsogon Governor at ngayon ay Senador na si Francis “Chiz” Escudero. Inamin ni Heart na tanging ang kanyang asawa lamang ang nakakapag-impluwensiya sa kanya pagdating sa kanyang pamimili.

Ayon pa sa Kapuso actress, si Chiz ay hindi kailanman nagkokontrol ngunit hindi rin niya nakakalimutang paalalahanan siya na maging maingat sa paggastos ng kanyang pera.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Pero kamakailan lang, sa recent vlog na in-upload ni Heart sa kanyang channel ay may ibinahagi ito tungkol sa kanyang shopping habits. Alam nating lahat ang tungkol sa kanyang paggastos sa kanyang pera para sa kanyang mamahaling gamit ngunit siya ay dumating diumano sa isang realisasyon.

Ibinunyag ni Heart na pagkatapos ng lahat ng mga paglalakbay na ginawa niya at pagkatapos ng mga events na dinaluhan niya sa mga nakaraang buwan ay napagtanto niya na mas maigi bumili ng mga gamit na pwede niyang gamitin sa mahabang panahon.

Ayon sa aktres, “I used to shop a lot but I had a change of heart recently. I would just spend on stuff that would sing to me ‘til I’m old and gray.”

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Akala niya na ang pagbili ng lahat ng mga bagay na ito ay magpapasaya sa kanya ngunit hindi pala. Ang kanyang layunin ay magkaroon ng “peace of mind at alam niya na ito ay isang proseso.

Napansin naman ng ilang mga netizens ang pagbabago sa pananaw ng aktres at ang tila lungkot na nararamdaman nito.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Narito naman ang komento ng ilang netizens tungkol dito:

“Heart, I don’t wanna assume but this video is totally different from all your other videos. I simply pray and hope that everything is good and well. You’re our inspiration, we love watching what you do and always look forward on what’s next for you. Take good care of yourself darling.”

“We all get to a phase in life, and it’s nice to see you doing these,I did not expect this from you any sooner, but yeah, sometimes as simple as touching the grass is pure happiness, and just like you said, it’s going to be a process..”

“I just really love the nature of your personality how you describe yourself, the things you love and the things you do. The tranquility and motivation you show us is so inspiring. Sorry haters but I love Heart and she inspires me so much mentally and physically. Thanks.”

“Been watching your quirky vlogs ever since and this is probably one of the “sad” feels that you have shown us. I hope you’re doing well. Fighting miss Heart! insert virtual hug.”

Watch the full video here:

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan