Deal ng ABS-CBN at TV5, tuluyan nang pinatay

Opisyal nang inanunsyo ng ABS-CBN at TV5 na winakasan na nila ang Investment Agreement ng dalawang TV network.

Ang mga alingawngaw tungkol sa deal ng dalawang TV network ay nagsimulang kumalat noong Hunyo. Noong mga panahong iyon, sinabi ni TV5 Chairman Manny V. Pangilinan na tuloy-tuloy ang negosasyon.

Kasunod ng mga haka-haka, lumabas ang mga ulat na selyado na ang deal. Ang Investment Agreement ay may petsang Agosto 10, 2022. Gayunpaman, kinuwestiyon ng National Telecommunications Commission (NTC) at iba pang ahensya, kabilang na si Sagip party-list Rep. Rodante Marcoleta ang deal ng ABS-CBN at TV5. Nakasaad sa deal ang pagkuha ng ABS-CBN ng 34.99% equity interest sa TV5.

Noong Agosto 24, ang dalawang TV network ay naglabas ng magkasanib na pahayag na nagsasabing sila ay sumasang-ayon sa pansamantalang paghinto sa nasabing deal. Ngunit sa isang pahayag na inilabas ng ABS-CBN noong Setyembre 1 ay nakasaad na ang magkabilang panig ay opisyal na sumang-ayon na wakasan na ang kasunduan.

Ang pagwawakas ng deal na ito ay opisyal na ginawa sa pamamagitan ng isang Memorandum of Agreement.

Ayon sa bahagi ng MOA: “The Parties confirmed that they have not implemented any of the transactions covered by the Investment Agreement and the Convertible Note Agreement.”

Narito ang buong pahayag ng ABS-CBN:

Credit: ABS-CBN

Bago ang big deal na ito sa pagitan ng dalawang TV network, ang mga Kapamilya shows ay naipapalabas na sa Kapatid network, tulad ng FPJ’s Ang Probinsyano, ASAP Natin ‘To, at It’s Showtime.

Dahil dito, tuwang-tuwa ang mga tagahanga ng Kapamilya network at kahit papaano ay nagdulot ito ng pag-asa na wala na ang network war sa Pilipinas. Nagdulot din ng mas maliwanag na pananaw para sa maraming tao sa industriya ang dapat na Investment Agreement sa pagitan ng ABS-CBN at TV5.

Gayunpaman, ang ilang mga netizens ay naglabas ng legalidad tungkol sa usaping ito, lalo na at ang prangkisa ng ABS-CBN ay binawi. Ang Seksyon 10 ng REPUBLIC ACT No. 11342 ay nagsasaad nito:

“Sale, Lease, Transfer, Grant of Usufruct, or Assignment of Franchise.— The grantee shall not sell, lease, transfer, grant the usufruct of, nor assign this franchise or the rights and privileges acquired thereunder to any person, firm, company, corporation or other commercial or legal entity, nor merge with any other corporation or entity, nor shall transfer the controlling interest of the grantee, simultaneously or contemporaneously, to any person, firm, company, corporation, or entity without the prior approval of the Congress of the Philippines. Congress shall be informed of any sale, lease, transfer, grant of usufruct, or assignment of franchise or the rights and privileges acquired thereunder, or of the merger or transfer of the controlling interest of the grantee, within sixty (60) days after the completion of the said transaction. Failure to report to Congress such change of ownership shall render the franchise ipso facto revoked. Any person or entity to which this franchise is sold, transferred, or assigned shall be subject to the same conditions, terms, restrictions, and limitations of this Act.”

Source: The LawPhil Project

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *