Kit Thompson balik trabaho matapos ang bugbugan isyu nila ni Ana Jalandoni

Nagpapasalamat ang aktor na si Kit Thompson na mayroon siyang bagong movie project sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan nila ng dati niyang girlfriend na si Ana Jalandoni.

Huling proyekto ni Kit ang pelikulang “Sarap Mong Patayin” at seryeng “La Vida Lena.” Nang mangyari ang nakakagulat na insidente sa pagitan nila ni Ana, kinailangan ni Kit na magpalamig. Ayon sa balita, ang mga proyekto na dapat niyang gawin ay inalok sa ibang artista.

Gagawa sana siya ng isang serye sa YouTube kasama si Herlene Budol ngunit ang proyekto na ito ay ipinasa kay Joseph Marco. Kasama rin daw sana siya sa seryeng Flower of Evil pero pinalitan siya ni JC de Vera.

Credit: Kt Thompson/Instagram

Kamakailan lamang, isang video mula sa Cornerstone Entertainment, ang kumpanyang humahawak sa career ni Kit, ang nagpahiwatig ng kanyang miuling pagbabalik. Sa isang kamakailang artikulo sa PUSH, nakumpirma na si Kit ay gagawa ng isang bagong pelikula na pinamagatang “Showroom.”

Sinabi ng aktor na nagpapasalamat siya na may mga taong handang makatrabaho siya sa kabila ng kontrobersiyang kinasangkutan niya.

Ayon kay Kit, “Siyempre ano, thankful ako na may mga taong kilala mo. Tiningnan pa rin kung paano ako magtrabaho, na nakasama ako at kung paano ako. So, nakaka-touch, nakakatuwa.”

Credit: Kt Thompson/Instagram

Idinagdag din ng dating PBB housemate na mahirap ito para sa kanya dahil sa tingin niya ay nagbabago na ang lahat.

“Hindi ko ma-articulate ng sarili ko,” pag-amin pa niya.

Sa mga taong nagtitiwala sa kanya, sinabi ni Kit na ito ay nagbibigay-inspirasyon na paghusayan ang kanyang trabaho at ayusin ang kanyang sarili. Nagpapasalamat din ang aktor sa suportang natatanggap niya mula sa kanyang management.

“I’m thankful na I’m back! Actually pinagdasal ko nga ito, eh, I think a week ago or something. Habang nag-iisip ako nagdasal lang ako and eto, dumating nga, so I thank the Lord for this,” sambit pa ni Kit.

Sinabi naman ni Direk Carlo Obispo na wala siyang pakialam sa anumang isyu na pinagdaanan ni Kit noon. Ang importante sa direktor ay kung paano gumagana ang aktor sa set. Pinatunayan ng producer na si Len Carrillo ng 3:16 Media Network, na nakatrabaho na ni Kit sa pelikulang “Moonlight Butterfly,” na madali katrabaho ang aktor at magaling itong artista.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan