News5 nag-sorry kina Vice Ganda at Marian Rivera dahil isang “fake news”

Humingi ng paumanhin ang News5 ng TV5 sa maling pag-uulat tungkol sa “iringan” nina Vice Ganda at Marian Rivera na hindi naman totoo.

Nag-react ang Unkabogable Star sa ulat mula sa News5 sa isang nakaraang artikulo. Ang TV host na si Gretchen Ho, ang news anchor ng Frontline Sa Umaga, ang nag-ulat ng balita na nagpapahiwatig na may isyu ang Kapamilya star at ang Kapuso Primetime Queen. Ipinakita rin ang kanilang muling pagsasama sa isang event at sinabing doon sila muling nagkabati.

Credit: Facebook

Kinastigo naman ni Vice ang nasabing balita sa pamamagitan ng isang tweet.

Ayon sa kanya “Super kadiri yung mga balitang mema! Eeeoooooooowwwwww!!!! Clickbait???!!!! Fake news????!!!! TAE!”

Nag-react dito si MJ Marfori at nilinaw na hindi niya ito kuwento, ngunit malamang diumano na ang emoji na hysterical laughing ang nag-trigger sa komedyante. Kaagad namang humingi ng paumanhin si MJ.

Ayon sa kanya, “I apologize. I was just surprised and caught off guard that I was tagged in the story. I didn’t mean to offend [white heart emoji].”

Wala namang conflict o hindi pagkakaunawaan sina Vice at Marian dahil kung tutuusin ay in good terms naman ang dalawa at para kay Vice, ang Kapuso actress ang pinakamaganda para sa kanya.

At ngayon, sa ingay na nilikha ng isyu ay inako ng News5 ang responsibilidad at kamakailan lamang ay humingi ito ng paumanhin sa lahat ng nadamay na personalidad.

Ayon sa sa statement ng TV5, “Humihingi ng paumanhin ang News5 sa mga personalidad na nasangkot sa maling ulat na inilabas sa showbiz segment ng programa kahapon na nagsasabing nagkaroon ng iringan sina Vice Ganda at Marian Rivera.”

Si Gretchen na nag-ulat ay nag-post rin sa social media at tiniyak sa mga tao na susuriin nila ang mga balitang ihahatid para hindi na maulit ang mga ganitong insidente.

Credit: Gretchen Ho/Twitter

Dahil sa pag-ako ng pagkakamali at paghingi ng paumanhin ng News5 kina Vice at Marian ay nagpasalamat ang Unkabogable Star dahil dito.

Share this article
Erie Swan