Toni Gonzaga at Paul Soriano pumirma na ng kontrata sa AMBS TV

Sa wakas ay pumirma na ng kontrata ang ultimate multi-media star na si Toni Gonzaga, at ang multi-awarded film director na si Paul Soriano sa Villar Group’s Advanced Media Broadcasting System (AMBS) noong Setyembre 1, 2022.

Mainit na tinanggap ni Manuel Paolo Villar ng Prime Asset Ventures ang TV network na pag-aari ni Manny Villar sina Toni at Paul habang nangako na magbibigay ng mas de kalidad na mga palabas para sa sambayanang Pilipino.

Ayon kay Villar, “AMBS aims to redefine the broadcast media industry with quality TV programs and exciting entertainment shows that will focus on giving our viewers new TV experiences.”

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Kasamang lumagda ng mag-asawang Soriano si AMBS President Maribeth Tolentino sa isang seremonya na ginanap sa Mella Hotel sa Las Piñas noong Huwebes ng gabi.

“We are happy about the partnership with Ms. Toni Gonzaga and Mr. Paul Soriano. Our team is raring to work with them to give our viewers awesome shows to always look forward to,” pagbubunyag ni Tolentino.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Sinabi naman ni Toni sa kanyang mga tagahanga na makakaasa sila ng isang mas malalim, ngunit kawili-wiling talk show mula sa kanyang produksyon.

Ayon kay Toni, “You will be surprised with what we have in store for all of you.”

Ang PAVI ay ang parent company ng AMBS, ang premiere broadcast media station ng Villar Group na naglalayong magbigay sa mga Pilipino ng mga kagigiliwang programa sa telebisyon.

Samantala, bilang bahagi ng grand opening salvo ng AMBS ay muling babalik sa national broadcast television ang TV host na si Willie Revillame, kasama ang kanyang sikat na variety game show na “Wowowin.”

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.