Ivana Alawi nabuntis at nanganak noong pandemya?

Isang kolumnista ang nagbukas ng isyu tungkol sa pagbubuntis at panganganak diumano ng aktres at vlogger na si Ivana Alawi sa gitna ng pandemya.

Maraming humahanga sa magandang pigura ni Ivana. Ang kanyang mga mapangahas na mga larawan na ipino-post sa social media ay palaging nakakakuha ng libu-libong likes. Hinahangaan din siya ng mga tao sa kanyang down-to-earth na personality na makikita sa kanyang mga vlogs na ipino-post nito sa kanyang YouTube channel na mayroon na ngayong mahigit 18 million subscribers.

Credit: Ivana Alawi/Instagram

Sa kasalukuyan, si Ivana ang lead actress ng primetime series ng ABS-CBN na “A Family Affair” kasama ang kanyang mga leading men na sina Sam Milby, Jake Ejercito, Jameson Blake at Gerald Anderson.

Sinabi ng batikang kolumnista na si Lolit Solis na nang pumirma ng kontrata si Ivana sa Kapamilya Network ay naging excited ang kanyang mga tagahanga na makita siya sa mga bagong proyekto, gayunpaman, nangyari ang pandemya at naantala ang lahat.

May gagawin rin daw sanang serye si Ivana na may titulong “Ang Lihim Ni Ligaya” pero umatras ito. Sinabi niya na nangangamba siya para sa kanyang kalusugan at kaligtasan sa oras na iyon at baka malagay din sa panganib ang kalusugan ng kanyang pamilya.

Credit: Ivana Alawi/Instagram

Samantala, isinulat ng kolumnista ng Pang-Masa entertainment na si Salve Asis sa kanyang artikulo noong Setyembre 3 na iniintriga si Ivana sa ngayon na mayroon na itong “anak.”

Sinabi ni Asis na maraming malisosyo ang nag-iisip na isa nang ina si Ivana at nanganak daw ito sa gitna ng pandemya. Ngunit ipinagtanggol rin nito ang aktres at sinabing hindi nagpapakita ng anumang senyales ang pigura ni Ivana na nanganak na siya.

Ayon pa kay Asis, “Kahit saang anggulo tingnan, wala sa hitsura ni Ivana Alawi na diumano’y may baby na. Kesyo raw kasi noong lockdown ay diumano’y nagluwal ito ng baby.”

Credit: Ivana Alawi/Instagram

Nabanggit din ni Asis na kabilang ang Kapamilya actress sa mga celebrity na hindi dumadalo sa mga showbiz events.

“Anyway, isa si Ivana sa mga YouTube o social media star na hindi active sa mga social event. Hindi siya sumasali sa mga sunud-sunod na ‘ball’ na ginagastusan ng ibang mga celebrity,” dagdag pa niya.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Ivana tungkol dito.

Share this article
Erie Swan