Namataan ang showbiz couple na sina Gerald Anderson at Julia Barretto sa gitna ng mga tsismis na hiwalay na ang mga ito.
Nitong mga nakaraang linggo ay nahaharap sina Julia at Gerald sa mga tsismis tungkol sa kanilang relasyon. Diumano, may pinagdadaanan sila at base sa isang naunang artikulo, ang katotohanan na nag-iisang nagta-travel si Julia ang mas lalo pang nagpasigla sa mga tsismis.

Gayundin, sa gitna ng mga tsismis, tumanggi ang aktres na pag-usapan ang nobyo minsan sa isang panayam. Ang kanyang dahilan ay ang kanyang pagpapahalaga sa kanilang privacy. Matapos ang lahat ng nangyari sa nakaraan, natuto na diumano siyang bigyan ng importansiya ang tungkol sa kanyang personal na buhay. Natutunan na niya ang halaga ng privacy at natutunan niyang proteksyonan ang aspetong ito ng kanyang buhay.

At kamakailan lang, sa gitna ng rumaragasang tsismis, ay pinatunayan ng dalawa na mali ang kanilang mga kritiko. Magkasama pa rin sila at sa latest post ni Marjorie Barretto, ina ni Julia, present si Gerald sa intimate family affair na iyon.
Ayon sa caption ni Marjorie: “My real friends are my children. Best people ever!”

Sa larawan ay magkatabi sina Gerald at Julia. Naroon din ang kanyang ina at mga kapatid na sina Dani, Leon, Erich, at Claudia.

Mahigit tatlong taon nang magkarelasyon ang celebrity couple at lumabas ang tsismis ng breakup dahil na-link si Gerald kay Kylie Padilla, ang co-star niya sa isang upcoming movie.
Samantala, mabilis naman na tinugunan ni Kylie ang alegasyon na nag-uugnay sa kanya kay Gerald. Mariin niyang itinanggi ito at idiniin na walang katotohanan ang alinman dito. Ang lahat ng mayroon sila ay isang propesyonal na relasyon lamang.
READ ALSO: