Janella Salvador siniraan nga ba ni Markus Paterson?

Single muli ang Kapamilya actor na si Markus Paterson at mayroon siyang naging pahayag na pumukaw sa atensyon ng mga netizens sa social media.

Base sa nakaraang artikulo ay kinumpirma ng Darna actress na si Janella Salvador na isa na siyang single mother. Kinumpirma rin niya na hiwalay na sila ni Markus. Matatandaan na noong Oktubre 2020 ay opisyal na naging magulang ang dalawa ng iluwal ni Janella ang isang sanggol na lalaki na pinangalanan nilang Jude.

Credit: Janella Salvador/Instagram

Nang tanungin kung ano ang pinakahuling pagsusumikap na kanyang ipinaglaban sa totoong buhay, sinabi ni Janella na, “Being a single mom.”

Kamakailan lamang, ilang sandali matapos kumpirmahin ang kanilang paghihiwalay, lumitaw ang isang video ni Markus sa social media kung saan ipinahayag niya ang kanyang natutunan mula sa kanyang nakaraang relasyon. Gayunpaman, ang kanyang mga kontrobersyal na pahayag ay nag-iwan ng masamang impresyon sa maraming tao, lalo na sa mga loyal fans ni Janella.

Credit: Markus Paterson/Instagram

Ayon kasi sa kontrobersyal na pahayag ni Markus:

“Kung may lessons ako sa mga relationships ko, never to f*cking date someone in the industry, bro. Huwag niyo i-cut iyan, seryoso ako diyan.”

Bukod sa matapang niyang sinabi na huwag putulin ang bahaging iyon ng video, nagbigay din siya ng payo sa mga kabataan na nasa industriya na naghahangad na maging artista. Sinabi niya sa kanila na huwag makipag-date ng mula rin sa industriya ng show business.

Ang pahayag na ito ni Markus ay nakakuha ng atensyon ng maraming tao at narito ang ilan sa kanilang mga reaksyon:

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Janella tungkol sa naging komento na ito ni Markus.

READ ALSO:


Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.