Isyu ng paghihiwalay nina Heart Evangelista at Chiz Escudero mas lalong umingay

May ibinahaging post ang Kapuso actress na si Heart Evangelista na nagdulot ng mga pagdududa tungkol sa diumano’y paghihiwalay nila ng asawa.

Kasalukuyang nahaharap sa usap-usapan si Heart at ang asawa nitong si dating Sorsogon Governor Francis “Chiz” Escudero tungkol sa kanilang kasal. Ayon sa ilang mga netizens, may pinagdadaanan silang dalawa.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

May mga netizens na nagsabing may ibang babae si Chiz habang may mga nagsabing may nabuntis daw siyang isang babae. Bukod dito, isa sa mga dahilan na naiisip ng mga Marites ay ang katotohanang hindi pa sila maaaring magbuntis.

Pero sa pinakahuling post ni Heart, mali pala ang karamihan na nag-aakalang ayaw niyang magbuntis. Dahil sinusubukan pala niya.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Pero bukod sa life update na ipinakita ni Heart sa video, napansin din ng mga netizens ang kanyang malungkot na vibe sa mga clips at ang kanyang napiling kanta. Ginamit niya ang “Older Than I Am” ni Lennon Stella. Hindi napigilan ng kanyang mga followers na iugnay ito sa kasalukuyang kumakalat na tsismis tungkol sa kanyang kasal.

Narito ang post ni Heart na pumukaw sa atensyon ng mga netizens:

Kamakailan lamang, sa isa sa kanyang mga vlog, inamin ng aktres na kasalukuyan siyang dumaraan sa isang “personal na pakikibaka.” Ang pag-amin na ito ni Heart ay nangyari isang buwan pagkatapos niyang tanggalin ang “Escudero” sa kanyang pangalan sa social media.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Samantala, ikinasal sina Heart at Chiz noong 2015 sa isang bonggang seremonya na ginanap sa Balesin Island. Hindi lang simple ang kanilang love story. Ilang problema at ilang kontrobersiya ang kanilang hinarap at pinagdaanan bago sila umabot sa puntong ito ng kanilang buhay.

Sa kasalukyan ay wala pang reaksyon si Chiz tungkol sa mga isyung ibinabato sa kanila ni Heart.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan