Lolit Solis pinagsabihan ni RR Enriquez tungkol sa panlalait kay Bea Alonzo

Nakatanggap ng bayolenteng reaksyon mula sa vlogger na si RR Enriquez ang mga pang-ookray ng beteranong showbiz writer na si Lolit Solis sa Kapuso actress na si Bea Alonzo.

Sinimulan ni RR ang kanyang “sawsawera” vlog kamakailan kasunod ng feedback na natanggap niya sa kanyang mga post sa Instagram na pinag-uusapan ang mga kamakailang isyu sa showbiz. Sa recent episode ng kanyang vlog, nagkwento ang dating Wowowee host tungkol sa social media posts ni Lolit laban kay Bea.

Credit: Instagram

Alam ng marami na binibira rin ni Lolit ang pisikal na anyo ni Bea. Mayroon ngang sinabi ang showbiz writer na mayroon diumanong negative reactions tungkol sa mukha ng aktres ang mga South Korean producers ng seryeng Start-Up, na ginagawang remake ni Bea kasama si Alden Richards,

Pinabulaanan naman ng pamunuan ng Kapuso network ang pahayag na ito ni Lolit. Pinag-usapan rin nina RR, kasama ang kanyang partner na si Jayjay Helterbrand at Rico Maierhofer, kung paano inaatake ng beteranong showbiz writer si Bea sa pamamagitan ng kanyang mga post sa social media.

Credit: Bea Alonzo/Instagram

Sinabi ni RR na nagsimula siya sa kanyang “sawsawera” journey dahil pinagsabihan niya si Lolit sa kanyang post tungkol kay Mark Herras. Ngayong nagkakasakit na ang showbiz writer, sinabi ng dating dancer na dapat itigil na niya ang ganitong panlalait.

Ayon kay RR, “May sakit na siya and yet hindi pa rin siya tumitigil sa panlalait. Ako naman to be honest ‘yung pakikipagsawsaw ko, kung halimbawa naman may sakit na ako, titigilan ko na ‘yung pagsawsaw ko.”

Credit: Lolit Solis/Instagram

Dagdag pa niya, sa edad ni Lolit ngayon, dapat ay i-enjoy na lang niya ang mga natitirang araw niya at ituon ang atensyon sa ibang bagay. Sa kabilang banda, sinabi ni RR na kung ito ay bahagi ng trabaho ni Lolit, kung gayon, hindi niya ito masisisi sa kanyang ginagawa.

“Imagine mo, may sakit na, nagda-dialysis na pero nagawa pang mag-post,” pagtatapos pa ni RR.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.