Muling nag-trending sa social media si Kris Aquino nang muli itong magbahagi ng kanyang health update sa Instagram.
Sa isang nakaraang artikulo ay inihayag ni Ballsy Aquino, nakakatandang kapatid ni Kris, na sa gitna ng mga pagpapagamot ay nagkaroon ng dalawa pang autoimmune disease ang kanyang kapatid na si Kris. Bago lumipad sa ibang bansa, na-diagnose siya na may tatlong autoimmune disease at na-diagnose naman na may ika-4 na sakit sa Houston, Texas.
Na-diagnose si Kris na may chronic spontaneous urticaria, autoimmune thyroiditis, at vasculitis, o late stage 3 ng Churg Strauss Syndrome. Hindi niya isiniwalat ang kanyang ika-apat na diagnosis ngunit nagpasya siyang magpagamot sa Houston dahil mayroon silang gamot na mabisa para sa kanya na hindi makakapagbigay sa kanya ng allergy.

Allergic si Kris sa steroids, ang gamot para sa kanyang autoimmune conditions. Ang kanyang mga doktor sa dito sa Pilipinas ay nangangamba na kung hindi siya gagamutin sa Amerika ay makakapadulot ito ng pinsala sa kanyang organ.
At ngayon, sa kanyang pinakabagong update, ibinahagi ng Queen of All Media na maaaring mabuo ang ika-limang auto immune condition. Ngunit sa gitna ng lahat, nananatili siyang positibo dahil sa kanyang mga anak na sina Josh at Bimby. Siya rin ay nagpapasalamat na sila ay pinagpala na magkaroon ng pera para lumipat sila sa ibang estado para pumunta sa ibang mga espesyalista at magkaroon ng mas marami pang test.
Sa parehong post ay binanggit ni Kris ang tungkol sa pagdaan niya sa “chemotherapy bilang kanyang “immunosuppressant.” Sa ganitong paraan ay maiiwasan diumano ang mga pinsala sa malulusog na tisyu at malulusog na selula ng kanyang katawan.

Nilinaw niya na wala siyang cancer at ito ang pinakaligtas na anyo para sa kanyang mga kondisyon. Bukod dito, ang pamamaraan ay magdudulot sa kanya ng pagkawala ng kanyang buhok ngunit sila ay lalago muli.
Ayon pa kay Kris, “Hair will eventually grow back but permanently damaged organs won’t- so dedma muna sa vanity.”
Samantala, kung hindi dahil sa kanyang mga anak ay sigurado diumanong sumuko na siya dahil sa mga pagsubok na kanyang dinaranas.
“BUT i remind myself Kuya & Bimb still need me & mahiya naman ako sa lahat ng mga patuloy na nagdarasal para gumanda ang kalusugan ko if i just give up,” dagdag pa ni Kris.
Narito ang buong post ni Kris:
READ ALSO: