Heart Evangelista at Chiz Escudero, generation gap diumano ang dahilan ng paghihiwalay

Gaano katotoo na generation gap ang sinasabing dahilan ng paghihiwalay ng Kapuso actress na si Heart Evangelista at Senator Chiz Escudero?

Mas matanda si Sen. Chiz kay Heart ng 15 taon pero sa mga nakaraang panayam, ipinahayag nila na hindi ito isyu sa kanilang relasyon. Kasunod ng mga kumakalat na tsismis na nagsasabing hiwalay na ang sikat na mag-asawa, lumitaw din ang ilang mga haka-haka na dahilan nito.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Dati ay may ispekulasyon na may nabuntis ang mambabatas at nakita umano ito sa isang bar na may kasamang ibang babae. Ang dahilan din diumano ng kanilang breakup ay ang desisyon ni Heart na huwag magbuntis.

Habang isinusulat ang balitang ito ay wala pang inilalabas na pahayag hinggil sa napapabalitang breakup sina Heart at Chiz. Isinulat ng entertainment columnist na si Salve Asis sa kanyang artikulo noong Setyembre 8 sa Pang-Masa ang isa pang diumano’y dahilan sa likod ng breakup.

Aniya, ang management ng GMA ang magsasalita tungkol sa isyung ito dahil si Heart ay talent ng GMA Artist Center. Ayon sa source ni Asis, hanggang sa ngayon ay may kontrata pa rin si Heart sa Kapuso network at napag-usapan na daw nila ito.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Sinabi rin ng columnist na ibinahagi ng kanyang “reliable source” na naging maayos daw ang paghihiwalay ng dalawa. Sinabi rin ni Asis na may nagpayo sa aktres na huwag nang ibulgar ito sa social media, hindi tulad ng ibang celebrities na dumaan sa parehong sitwasyon.

Ayon pa kay Asis, “Generation gap diumano ang rason ng sinasabing hiwalayan ng mag-asawa pero sabi nga ni Nay Lolit Solis bakit naman sina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna, hindi nagkaroon ng ganyang usapin.”

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Ipinunto din ng kolumnista na mas matanda ng 34 na taon ang beteranong host ng Eat Bulaga sa kanyang asawa na may malaking generation gap kaysa kina Heart at Chiz.

Samantala, sumulat din ang Abante entertainment columnist na si Rose Garcia tungkol sa napapabalitang breakup ng celebrity couple. Sinabi niya na ang pag-ibig ang mananalo sa pagitan ng mag-asawa at magagawa pa nilang ayusin ang gusot sa pagitan nila.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan