Tom Rodriguez nami-miss at mahal pa rin si Carla Abellana

“Mahal at nami-miss pa rin ng aktor na si Tom Rodriguez ang dating asawa at Kapuso actress na si Carla Abellana,” iyan ang ibinunyag ng kaibigan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz.

Nag-usap si Ogie at ang kanyang Showbiz Update vlog co-host na si Mama Loi tungkol sa kamakailang post sa social media na ibinahagi ni Carla tungkol sa kanyang pagsasanay sa paghawak ng baril. Binanggit nila ang komento ng isang netizen na nagmungkahi na kumuha ng security personnel ang aktres para sa kanyang kaligtasan.

Credit: Solennatics/Instagram

Sagot ni Carla sa netizen na meron na siya ngayon. Dahil dito, tinanong ni Mama Loi kung bakit pinaigting ngayon ng aktres ang kanyang seguridad.

Tanong pa ng co-host ni Ogie, “May banta ba sa kanila?”

Sagot ni Ogie, wala siyang ideya tungkol dito pero isa lang ang alam niya. Ibinahagi daw sa kanya ng kanyang kaibigan na miss na miss pa rin ni Tom si Carla. Pinipilit lang din daw ng aktor na kalimutan ang dating asawa pero minsan ay naiisip pa rin siya nito kaya napapaiyak na lamang ang aktor.

Credit: Tomcarworldwide/Instagram

Sinabi rin ng kaibigan ni Ogie na may mga nag-iisip na niloko ni Tom si Carla pero hindi daw ito totoo.

Ayon kay Ogie, “Yung friend ko, sabi sa akin eh, ‘Hindi Og, talagang mahal pa rin ni Tom si Carla.”

Credit: Previewph/Instagram

Pero gusto raw ng aktres na mangyari ang breakup kaya wala nang nagawa ang aktor. Binanggit din ni Ogie na hindi totoo ang mga tsismis na nagsasabing P24 milyon ang nawala kay Tom dahil sa investment scam dahil hindi raw ito ang eksaktong halaga.

Ibinahagi din ng talent manager na mayroon pa ring existing contract ang aktor sa Kapuso Network at kung sakaling may magandang project na iaalok sa kanya ay babalik siya sa Pilipinas. Pumunta kasi sa States si Tom sa kasagsagan ng isyu nila ni Carla.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.