Mariel Padilla pumirma na ng kontrata sa AMBS 2

Opisyal nang pumirma ng kontrata ang celebrity mom at online seller na si Mariel Rodriguez Padilla sa ALLTV, ang opisyal na pangalan ng AMBS 2, na siyang TV network ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Si Mariel ay umalis pansamantala sa showbiz at nag-concentrate sa paggawa ng vlogs at online selling. Matapos ang mga taon na hindi siya nakkiita sa telebisyon ay nakatakda na itong bumalik at kasama na ito sa isang bagong network. Ang frequency ng AMBS ay dating inookupahan ng ABS-CBN, ang kanyang dating home network.

Credit: Mariel Padilla/Instagram

Sa darating na Setyembre 13, ilulunsad ang bagong TV network. Nabalitaan noon na si Willie Revillame, isa sa mga taong nagdedesisyon sa mga programa, ay pumirma ng kontrata sa AMBS at mapapanood na sa ALLTV ang kanyang Wowowin game show.

Sa kanyang post noong Setyembre 8, ay pumirma na nga ng kontrata sa network ni Villar ang dating Pinoy Big Brother co-host. Sinabi ng misis ni Senator Robin Padilla na hindi mahirap para sa kanya ang pagpapasya na maging bahagi ng AMBS.

“The easiest decision I have ever made. Alam ko kaagad na gusto kong maging bahagi ng AllTV,” sabi pa ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla/Instagram

Idinagdag din niya na labis ang kanyang pasasalamat kay Manny Villar at sa anak nitong si Camille Villar sa kanilang pagtitiwala sa kanya.

Nagpasalamat din si Mariel sa kanyang manager na si Boy Abunda. Dalawang dekada na kasing hinahawakan ng batikang host ang kanyang career. Nagpasalamat din siya sa kanyang asawa, sa kanyang mga anak na babae, at sa kanyang buong pamilya na nagbigay ng kanilang mga pagpapala sa kanya.

“So excited for the infinite possibilities we can do together!!!!” excited na tugon ni Mariel.

Credit: Mariel Padilla/Instagram

Samantala, bago matapos ang Agosto ay nakipag-bonding si Mariel kina Karla Estrada at Toni Gonzaga, na pumirma rin ng kontrata sa AMBS. Dahil dito ay nag-isip ang mga netizens na baka gagawa sila ng talk show bagong network.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan