Manny Villar, pursigidong kunin sina Noli de Castro at Korina Sanchez para sa news team ng ALLTV

Nagpupursige diumano ang businessman at dating senador na si Manny Villar upang bumuo ng isang dream team para sa news department ng kanyang ALLTV network. Ilan sa napipisil nitong kunin ay ang mga dating sikat na anchor ng TV Patrol, ang longest running news program ng ABS-CBN.

Ayon sa ulat ng Bilyonaryo ay nilinaw ni Villar sa pamunuan ng ALLTV, sa pangunguna ni Maribeth Tolentino, na gusto niyang ang kanyang dating senatorial buddy na si Noli de Castro, at Korina Sanchez, asawa ni dating Senador Mar Roxas, ang mag-headline sa pangunahing programa ng balita ng Channel 2 kasama ng newly-signed broadcaster na si Anthony Taberna.

Credit: Facebook

Ayon pa sa source ng ulat, “Ang wish list niya (Villar) ay KKK – Kabayan, Korina, at Ka Tunying. He considers them his dream team,”

Sina De Castro at Sanchez ang pinakamatagal na nagsilbing anchor ng TV Patrol, ang pinakamalaki at pinakamaimpluwensyang news media sa bansa sa loob ng tatlong dekada. Si Taberna, na nag-host ng isang programa sa radyo sa DZMM ng ABS-CBN ay nagsilbing anchor din ng TV Patrol.

Credit: Facebook

Inaasahang ilulunsad ang flagship news program ng AllTV sa unang quarter ng 2023.

Credit: Facebook

Kamakailan ay lumagda ang ALLTV ng content license deal sa CNN Philippines para i-broadcast ang 60 minutong flagship Filipino news program na ini-anchor ni Pia Hontiveros simula Setyembre 13.

Ang CNN Philippines News ay magsisilbing flagship program ng Channel 2 hanggang sa makabuo si Villar ng sarili nitong news and public affairs team.

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon sina De Castro at Sanchez tungkol dito.

Share this article
Erie Swan