Julia Barretto lilipat na ba sa Kapuso Network?

Kamakailan lang ay lumabas ang Kapamilya actress na si Julia Barretto sa Eat Bulaga ng GMA. Senyales na ba ito na magiging isang Kapuso na ang aktres?

Naging guest si Julia sa “Bawal Judgmental” segment ng noontime show. Isang linggo na ang nakalipas, nang i-announce ang appearance ng aktres sa Kapuso noontime show pero sa kabila nito ay marami pa rin ang nagulat nang makita siya sa karibal ng kanyang network.

Credit: Julia Barretto/Instagram

Sa pagkakaalam ng marami, nanatiling Kapamilya si Julia, isa sa mga iilan na nanatili, sa kabila ng pagsasara ng network ilang taon na ang nakararaan. Ang kanyang guesting ay bahagi ng kanyang pag-promote ng pelikula. May paparating kasi siyang pelikula na pinamagatang “Expensive Candy” kasama si Carlo Aquino na mapapanood sa mga sinehan sa Setyembre 14.

Sa dami ng nagulat, marami rin ang nagtaka at nataranta. Malapit na bang maging Kapuso si Julia? Lilipat ba siya ng network? Kailan siya aalis sa Kapamilya network?

Credit: Julia Barretto/Instagram

Ngunit lumalabas na nag-guest ang aktres para lang i-promote ang kanyang bagong pelikula. Wala rin siyang binanggit tungkol sa paglilipat ng network.

Ang ibang netizens naman ay natuwa nang makita ang aktres sa GMA. Medyo nakampante sila na wala ng network rivalry at ang mga Kapamilya stars ay pupwede nang lumabas sa mga shows ng kalabang istasyon para mag-promote.

Credit: Julia Barretto/Instagram

Para sa iilan ay nakakapanibago pa rin na makita ang isang artista na mag-guest sa shows ng kalabang network.

Basahin ang ilang komento ng mga netizens:

Panoorin ang Eat Bulaga segment dito:

Bukod pa riyan, ikinatuwa rin ng mga manonood ang masaya at masiglang personalidad ni Julia. Hindi maikakaila na mayroon siyang magandang mukha at malakas na screen presence. Naaliw din sila nang sumayaw ito ng “Budots Dance” kasama ang “Hamog Kids” ng Eat Bulaga.

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.