Agot Isidro inatake ang netizen na nagkomento ng ‘Funeraria Look’ sa kanyang selfie

Nagbahagi ng selfie sa Twitter ang character actress na si Agot Isidro at nakatanggap ito ng “funeraria look” comment mula sa isang netizen.

Si Agot ay isa sa mga celebrities na aktibo sa social media. Mahilig siyang magbahagi ng kanyang mga pananaw sa mga partikular na isyu. Matapang din ang aktres sa pagbabahagi ng kanyang political opinions.

Sa isang tweet kamakailan, ibinahagi ni Agot ang kanyang black-and-white selfie. Ipinakita niya ang kanyang fierce look habang nakataas ang kanyang kilay.

Ayon sa caption ni Agot: “So sino ang tataasan natin ng kilay today?”

Sa comment section ng kanyang post, ibinahagi ng kanyang mga kapwa Kakampinks ang kanilang mga reaksyon. Si Agot ay isa sa mga kilalang tao na aktibong nangampanya para sa pagkandidato sa pagkapangulo ni dating Bise Presidente Leni Robredo.

Maraming nagkomento tungkol sa pulitika at meron namang nang-bash sa aktres.

Ayon sa Twitter user na si @BenjPagt, “Kaya ginawang black and white para hindi masyadong halatang funeraria look.”

Credit: Agot Isidro/Twitter

Ni-retweet ni Agot ang negatibong reaksyon mula sa netizen. Ibinahagi niya ang may kulay na bersyon ng parehong larawan at nagpakawala ng maanghang na salita para sa kanyang basher.

“Gagu. Yan, Ikaw ang nabiyayaan ko ng taas kilay. Sa buong kulay. Kasi ang idea nyo ng gwapo ay si S***** *****s,” banat pa ng aktres.

Ang kontra-atake ng aktres sa basher ay umani ng suporta mula sa kanyang social media followers.

Komento ng isang netizen, “With or without make-up maganda po si Miss Agot, at maganda pa ang kalooban!”

Samantala, sa nakaraang panayam, ibinahagi ni Agot kung paano niya hinarap ang mga “kontrabida” sa totoong buhay. Isa kasi si Agot sa mahilig puntiryahin ng mga bashers sa social media. Ibinahagi ng aktres na ang mahalagang tandaan ay kilala niya ang kanyang sarili.

Binigyang-diin din ni Agot ang kahalagahan ng pagpili kung aling laban ang ilalaban at kung aling laban ang hahayaan na lamang.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.