Gerald Anderson, sinagot ang isyu na “nabuntis” niya si Kylie Padilla

Nagsalita na ang aktor na si Gerald Anderson tungkol sa mga tsismis na sinasabing nabuntis niya ang kanyang bagong leading lady at Kapuso actress na si Kylie Padilla.

Kumalat ang tsismis na nag-uugnay kina Gerald at Kylie pagkatapos nilang mag-shoot para sa kanilang pelikulang “Unravel” sa Switzerland, kung saan kinunan ang mga eksena mula sa sikat na Kdrama series na Crash Landing On You. Ito ay matapos ang haka-haka na ang relasyon ng aktor sa aktres na si Julia Barretto ay papunta na sa hiwalayan.

Credit: Gerald Anderson/Instagram

Gayunpaman, sa gitna ng napapabalitang breakup, ilang beses na nakitang magkasama sina Gerald at Julia. Nauna nang sinagot ni Kylie ang mga tsismis na nag-uugnay sa kanya sa kanyang leading man. Aniya, walang katotohanan ito at idiniin na hindi siya buntis.

Sa recent episode ng Showbiz Update vlog ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, ibinahagi niya ang maikling pag-uusap nila ni Gerald sa isang event. Nagtanong si Ogie tungkol sa paparating na pelikula ng aktor at tungkol na rin sa isyu na lumabas.

Credit: Kylie Padilla/Instagram

Ibinahagi ni Gerald na tapos na sila ni Kylie sa paggawa ng pelikula ngunit wala pang pinal na petsa para sa pagpapalabas nito. Nagbiro si Ogie na bago pa man ipalabas ang pelikula ay mayroon nang early publicity stunt at pinag-uusapan na ang tungkol sa napapabalitang pagbubuntis diumano ni Kylie.

Pabiro din daw itong sinagot ni Gerald na, “Sana pinalabas na agad ang pelikula para sumabay na.” Ibinahagi din ng aktor na bago ang pelikula nila ni Kylie, unang ipapalabas ang pelikulang ginawa niya sa Russia.

Credit: Gerald Anderson/Instagram

“Hindi ko kasi nabuntis ‘yung ano dun eh kaya hindi mo pa alam kung ano…” natatawang tugon diumano ni Gerald.

Muli, tinanong ni Ogie ang aktor kung hindi totoo ang mga tsismis na nagli-link sa kanya sa Kapuso actress. “Tingnan nga natin siyam na buwan mula ngayon,” tugon ng aktor.

Dahil sa mga sagot na ito ni Gerald ay kumbinsido daw si Ogie na hindi totoo ang ang mga tsismis na nabuntis nito si Kylie Padilla.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan