President Bongbong Marcos may ibinulgar tungkol sa franchise renewal ng ABS-CBN

Nagsara ang ABS-CBN dalawang taon na ang nakakaraan, pero ano na kaya ang mangyayari sa franchise ngayon at si President Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na ang nakaupo sa pwesto?

Noong nakaraang Mayo 2020 ay naglabas ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order laban sa network. Dahil dito, napilitan ang ABS-CBN na mag-off-air. At dalawang buwan pagkatapos nito, opisyal nang nagsara ang Kapamilya network.

Tinanggihan ng 70 mambabatas ang franchise renewal bid ng network sa kabila ng pagpapatunay ng network na wala silang anumang paglabag. Pagdating sa buwis, pinatunayan din ng kumpanya na regular silang nagbabayad ng kanilang buwis.

Credit: Toni Talks/Youtube

At ngayon, sa pagkaluklok ni PBBM sa pagkapangulo, ano nga ba ang masasabi niya tungkol dito?

Sa panayam kay Toni Gonzaga ay sinabi ni PBBM na ang problema sa pag-renew ng prangkisa ay ang mga paglabag at ilang problemang naranasan ng network sa pagdinig at imbestigasyon. At hangga’t hindi nareresolba ang mga isyung ito ay wala siyang nakikitang dahilan para ipagdamot sa ABS-CBN ang prangkisa.

Dagdag pa niya, “Again, my view and my opinion and my position is that so long as all of those issues that were brought up during the hearings and investigations in the House of Representatives have been attended to and have been resolved.”

Credit: Toni Talks/Youtube

Ipinahayag ng pangulo na malamang na makakuha ng prangkisa ang kumpanya at hindi haharangin ang anumang pagsisikap na bigyan ang ABS-CBN Corp. ng bagong 25-year legislative franchise hangga’t nalulutas ang mga isyung ibinato sa kanila. Batid niya ang mga isyu ay nahaluan ng pulitika ngunit bilang bagong pangulo, ay susundin diumano nila ang mga teknikalidad.

Kung matatandaan ay paulit-ulit na nagreklamo noon si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte tungkol sa Kapamilya network at sa kabiguan nitong maipalabas ang kanyang campaign advertisements noong 2016 presidential elections.

Panoorin ang buong panayam dito:

Samantala, itinaon ang pagpapalabas ng interview ni Toni kay PBBM sa ika-65 taong kaarawan nito noong Setyembre 13. Ang panayam ni Toni, isa sa kanyang pinakamalaking tagasuporta, ang kauna-unahang one-on-one sit down interview na ipinagkaloob ni PBBM pagkatapos niyang maluklok sa posisyon sa pagkapangulo.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *