Toni Gonzaga, tumanggap ng P500 million bilang talent fee sa AMBS?

May tsismis na tumanggap ng P500 milyon ang Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga mula sa Advance Media Broadcasting System (AMBS) bilang talent fee niya.

Matapos ang ilang buwang espekulasyon tungkol sa paglipat ng network ni Toni, sa wakas ay nakumpirma na siya ngayon ay bahagi na ng ALLTV, ang opisyal na pangalan ng AMBS, na pag-aari ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Ang actress at host, kasama ang kanyang asawang award-winning director na si Paul Soriano ay pumirma ng kontrata sa TV network ni Villar. Dati, hinuhulaan ng mga netizens na magkakaroon siya ng noontime show. Kumbaga, gagawa pa rin siya ng isang uri ng format ng talk show kagaya ng ginagawa niya sa kanyang Youtube channel na Toni Talks.

Samantala, ipinasilip naman ni Toni ang ginawa niyang interview kay President Bongbong Marcos, Jr. Ang panayam ay ipapalabas sa ALLTV sa Setyembre 13.

Ang unang panayam na ginawa niya kay PBBM ay bago ang 2022 elections.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Sa isang artikulo ng entertainment columnist na si Ed de Leon, binanggit niya ang kumakalat na tsismis na tumanggap ng kalahating bilyong piso si Toni bilang talent fee. Naniniwala ang kolumnista na hindi imposibleng matanggap ni Toni ang halagang ito bilang kabayaran sa kanyang serbisyo.

Sinabi ni De Leon na kahit na maaaring walang malaking bilang ng mga tagahanga si Toni ay nakikita pa rin ang kanyang impluwensya, lalo na sa panahon ng eleksyon. Makatitiyak din aniya na mas dadami ang followers ni Toni dahil mapapanood ito sa free TV at hindi lang sa social media.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Binanggit din ng kolumnista ang panahong pumirma ng kontrata sa TV5 si Megastar Sharon Cuneta at nagkakahalaga ito ng isang bilyong piso. With this, aniya, ang napapabalitang P500 million talent fee para kay Toni ay depende sa magiging resulta ng show o mga palabas na gagawin niya sa ALLTV.

Ayon kay De Leon, “Unless nakalagay sa kontrata niya na iyan ay guaranteed income, na may magawa man siyang show o wala, kalahating bilyon pa rin ang ibabayad sa kanya ng AMBS.”

Samantala, tikom naman ang bibig ng Multi Media Star tungkol sa isyu.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan