Heart Evangelista nali-link sa isang “Italian Guy,” habang Chiz Escudero “nakabuntis?”

Nali-link ngayon ang Kapuso actress at social media influencer na si Heart Evangelista sa isang “Italian guy” ayon sa isang radio show.

Nangyari ito sa gitna ng mga espekulasyon tungkol sa status ng relasyon ni Heart sa asawang si Senator Chiz Escudero. Kung maaalala, marami sa mga netizens ang nanghula na nasa bingit na ng paghihiwalay ang mag-asawa matapos na tanggalin ng aktres ang kanyang apelyidong Escudero sa Instagram.

Nagkaroon diumano ng extramarital affair si Escudero at nabuntis pa daw niya ang isang babae. Sa kabilang banda, may mga nag-iisip na ang problema ay nasa parte ni Heart. Ayaw daw kasi ng aktres na mabuntis dahil gusto niyang mapanatili ang kanyang pigura.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Sa gitna ng isyu, nanatiling tahimik ang mag-asawa kaya patuloy na umiikot ang mga tsismis tungkol sa tunay na katayuan ng kanilang relasyon.

Ayon naman sa isang kamakailang artikulo sa Manila Bulletin, nagbanggit ng isang programa sa radyo kung saan binanggit si Heart at isang “Italian guy.” Ito ay mula sa programa ng broadcaster na si Deo Macalma sa DZRH. Siya rin ang VP station manager ng nasabing radio station.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

“Naku ayaw ni Senator Chiz Escudero ng ganyan,” banggit ni Deo sa September 13 episode ng show nila ni Sister L. Pagkasabi nito ay sinabi ng kanyang co-host na, “Lakay ano na naman yan? May bubwit ka na, may Marites ka pa.”

“May Marites tayong bubwit. Ewan ko ba kung apple of the eye ni Heart o siya ang apple of the heart ng foreigner na yan? Marites yan pero yung Italyano guwapo raw!” dagdag pa niya na sinang-ayunan naman ng kanyang co-host.

Tinanong din ni Deo kung mas guwapo ba ang lalaki kaysa sa Kapamilya hunk na si Piolo Pascual. Sagot ni Sister L na mukhang model yung “Italian guy.”

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pa ring komento sina Heart at Chiz tungkol sa mainit na isyung kinasasangkutan nila.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan