Hinaing ni Andrea Brillantes: “Ginawa akong pulutan ng tao”

“Ginawang pulutan” iyan ang naibulalas ng aktres na si Andrea Brillantes sa kanyang bagong vlog.

Nitong mga nakaraang buwan ay maraming pinagdaanan na kontrobersiya si Andrea. Ang mga bagay na ito ay tiyak na kaakibat ng pagiging sikat ng isang artista.Ngunit kadalasan, ang mga masasakit at bastos na mga salita mula sa mga taong hindi nila kilala ay nagdudulot ng pinsala sa mental health ng maraming celebrity.

Credit: Andrea Brillantes/Instagram

At sa recent vlog ni Andrea ay may ibinahagi at ipinagtapat ang aktres. Nagsimula siya sa pagbabahagi kung gaano kahirap ang kanyang buhay noon. Malayo na nga ang narating niya at kapag kanyang naaalala ang kanyang mga pinagdaanan para marating ang kanyang kinaroroonan sa ngayon ay nagiging emosyonal siya.

Ang kanyang vlog ay tungkol sa kanyang paglalakbay sa New York. Kasama niya ang ibang celebrity at sa araw ng kanilang pagtatanghal, ay naisip niya kung gaano siya pinagpala. Maluha-luhang ipinahayag ni Andrea ang kanyang pagkamangha at paghanga sa venue. Ito yung mga parehong lugar kung saan sa mga pelikula lang niya napapanood at hindi niya lubos maisip na doon na siya magpe-perform at mapapanood ng mga tao.

Credit: Andrea Brillantes/Instagram

Ayon kay Andrea, “Sobrang dami kong pinagdaanan these past few months. Mga problems na kailangan harapin. Ginawa akong pulutan ng tao kasi every month may issue ako kahit wala naman akong ginagawa.”

At ang pagiging naroon niya sa eksaktong mahiwagang sandali na iyon ay siyang nag-alis ng lahat ng sakit na kanyang nararamdaman. Napalitan ito ng labis na kaligayahan.

Watch Andrea’s vlog here:

Sa lahat ng pinagdaanan ni Andrea, masasabi niya na gumawa ka lamang ng kabutihan at tiyak na ikaw ay pagpapalain.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.