Julia Barretto may tiwala nga ba kay Gerald Anderson?

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Julia Barretto ang ilang saloobin nito tungkol sa nobyong si Gerald Anderson.

Sa unang stage palang ng kanilang relasyon ay naging kontrobersyal na ang dalawa. Hanggang sa dumating ang tamang pagkakataon na nagsalita sa wakas si Julia tungkol dito. Mas naging kontrobersyal din si Julia simula nang maging nobya ito ni Gerald.

Credit: Julia Barretto/Instagram

Nakatanggap siya ng matinding akusasyon, pinangalanan ng kung anu-ano, at nahila pa sa maraming isyu. Ngunit sa gitna ng mga nangyari ay pinananatili niya ang kanyang katahimikan at mayroon siyang mga dahilan para sa kanyang pananahimik.

Sa panayam kay Karen Davila, sa kasagsagan ng isyu ay abala diumano siya sa kanyang bahay na pinapagawa noon. Isa pa, hindi niya alam kung saan siya lulugar sa isyu noon. Pakiramdam din niya ay kung mayroon mang dapat ayusin, dapat itong gawin ng dalawang taong involved at hindi dapat siya kasali doon.

Credit: Instagram

At sa pagbasag niya ng kanyang pananahimik tungkol sa relasyon nila ni Gerald ay ipinahayag ni Julia na naramdaman niyang ligtas at secure siya sa relasyong ito.

Isa sa mga tanong na ibinato ni Karen kay Julia ay: “Nagtitiwala ka ba sa kanya na hindi ka niya sasaktan?”

Ayon kay Julia, “I don’t think I’ll ever get into a relationship with somebody I don’t trust. So, I do trust him and he shows me that every single day. There’s just no reason for me to doubt.”

Credit: Julia Barretto/Instagram

Sa parehong panayam, tinuldukan din ng Expensive Candy actress ang mga tsismis tungkol sa hiwalayan. Nilinaw niya na hindi pa sila hiwalay ni Gerald.

Kung ikukumpara sa iba pa niyang mga karelasyon, ang relasyon niya kay Gerald ay nagbigay diumano sa kanya ng pakiramdam ng seguridad, katahimikan, at nagpatibay sa kanya. Tinuruan din daw siya ni Gerald kung paano maging isang mabuting tao.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.