Ricci Rivero on Andrea Brillantes being “The One” – “I think, yes”

Opisyal na naging magka-relasyon sina Ricci Rivero at Andrea Brillantes matapos mag-propose ang basketball player sa Kapamilya star sa UAAP game na ginanap sa Mall of Asia Arena. Mabilis na naging viral sa lahat ng social media sites ang video ng kanyang proposal.

Nagkaroon rin ng iba’t-ibang reaksyon mula sa mga netizens ang naturang proposal. Merong naging masaya para sa dalawa ngunit hindi rin naiwasan na merong nagduda kung para sa publicity lang ba lahat ng iyon.

Credit: Andrea Brillantes/Instagram

Noong nakaraang Mayo, nagbakasyon ang celebrity couple sa magandang isla ng Siargao. Ito ang kanilang unang beach trip bilang couple. Ibinahagi ni Andrea ang ilang larawan mula sa kanilang beach getaway sa kanyang Instagram account.

Samantala, kamakailan ay nakapanayam ng King of Talk na si Boy Abunda si Ricci. Sa nasabing panayam, tinanong ng beteranong host si Ricci kung sa tingin niya ay “the one” na si Andrea at naging positibo ang kanyang naging sagot.

Ayon kay Ricci, “I think, Tito Boy, yes.”

Credit: Ricci Rivero/Instagram

Nagbukas din si Ricci tungkol sa kanilang relasyon sa pamamagitan ng pagkukuwento sa nangyaring surprise proposal niya para kay Andrea. Pagkatapos ay nagsalita rin siya tungkol sa kung ano naging dahilan kung bakit nagpasya siya na gawin ito.

Ayon sa basketbolista, isinapubliko daw niya ang proposal para maramdaman ni Andrea na espesyal siya at malaman nito kung gaano siya ka-proud na in love ito sa kanya.

Credit: Ricci Rivero/Instagram

“Siguro sa akin, ‘yung gusto ko lang ding mapa-feel do’n sa tao na proud ka,” sambit ni Ricci.

“Hindi naman mabigat pero sobra ‘yung mixed emotions ko nung time na ‘yon. Grabe ‘yung kaba and ‘yung excitement pero ang nangingibabaw lang talaga is buo na ‘yung loob ko na gagawin ko siya no matter what,” dagdag pa niya.

Watch the interview here:

Sa isang nakaraang artikulo, napaiyak si Andrea Brillantes matapos ipagtapat ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang Youtube vlog. Nagsimula siya sa pagbabahagi kung gaano kahirap ang kanyang buhay noon.

Share this article
Erie Swan