Magkaaway sila sa isa sa kanilang mga iconic na pelikula pero sa totoong buhay, magkapatid sina Cherie Gil at Sharon Cuneta.
Namatay ang iconic actress sa sakit na endometrical cancer sa isang ospital sa New York City. Siya ay 59 taong gulang pa lamang nang siya ay pumanaw.
Nagluksa rin ang mundo ng showbiz sa malaking pagkawala ng isa sa mga haligi ng industriya. Kabilang sa mga taong nakita niya bago ito pumanaw ay ang kanyang mahal na kaibigan na si Sharon. Lumipad ang Megastar patungong New York para dalawin si Cherrie at isa siya sa mga taong labis na nasaktan sa pagkamatay ng kaibigan ngayong taon
At kamakailan lang, sa isang post sa social media ay ibinahagi ni Sharon ang huling hapunan nila ni Cherrie. Nasa isang Japanese restaurant iyon sa Makati at dinalhan siya ng regalo ng kaibigan. Ito ay hindi mamahalin o isang bagay na marangya ngunit ito ay isang bagay na nagtataglay ng napakalaking halaga na nakabalot sa isang gift wrapper. Sa loob ng kahon ay may isang frame na naglalaman ng larawan nilang magkasamang magkayakap.
Ayon sa Megastar, “It has been proudly displayed in our living room since I got home that night with her inaanak Frankie, and Miel, and Miguel.”
“I am Ninang to her eldest, Jay. And she named her only daughter Bianca after my character in our movie ‘Sana’y Wala Nang Wakas.’ I was the first one she and Rony called about their wedding, and the only non-family member invited to it. KC and I were the only ones present when her youngest son Rafael had his Bris (isang seremonya ng mga Jewish),” dagdag pa niya.
Nalaman ni Sharon ang tungkol sa cancer ni Cherrie sa pamamagitan ng kanyang kapatid na si Michael De Mesa. Nangyari ito noong nagsu-shooting pa sila ng “FPJ’S Ang Probinsyano.” Naging emosyonal si Sharon nang malaman ito at kahit pwede niya itong tawagan ay hindi niya ito nagawa dahil hindi niya alam kung ano ang sasabihin sa kaibigan noong mga panahong iyon.
“I had her number all those months but told Mike I didn’t want to text or call her because really, what was I going to say? HOW was I going to tell her how I felt when I was so scared to even ask her if she was getting better? I said I wanted to see her face to face,” pagbubunyag pa ng Megastar.
READ ALSO: