Willie Revillame, nagpasalamat sa ABS-CBN sa pagbigay ng kanilang antenna sa AMBS 2

Ang ALLTV ay ang bagong channel 2, ang channel na dating naglalaman ng mga palabas at programa ng ABS-CBN para sa libreng airing. Pinalitan na ito ng AMBS na pag-aari ng business tycoon na si Manny Villar – matapos ipasara ang giant network. Kamakailan lang ay nagkaroon ng soft launching ang AMBS 2. Ni-recruit din ng bagong network ang mga dating talent ng ABS-CBN.

Ang Advanced Media Broadcasting System o AMBS ay ang corporate entity na magpapatakbo ng Channel 2. Nag-sign up ang mag-asawang Toni Gonzaga at Paul Soriano, TV anchor na si Anthony Taberna, kasama sina Willie at Mariel Padilla.

Credit: AMBS 2/Instagram

Sa network na ito ay muling bubuhayin ni Willie ang kanyang variety-public service show. At kamakailan lang, nagsasalita ito tungkol sa paghahanap ng masisilungan sa channel na dating inookupahan ng ABS-CBN, nagpasalamat rin siya sa dati niyang network.

Nagpasalamat siya sa mga boss sa pagbibigay sa kanilang bagong network ng kanilang antenna.

Ayon kay Willie, “Para malaman niyo po ang katotohanan, yung antenna ng ABS-CBN po, salamat naman sa ABS, ipinagkaloob na po sa amin ‘yan sa ALLTV.”

“Kung wala po ‘yan, hindi niyo kami mapapanood sa analog. We’re so thankful,” dagdag niya.

Credit: Instagram

Idiniin niya na ang buhay ay tungkol sa mga pagbabago, pag-asa, at pagpapatawad. Ang mahalaga ay makakapagbigay sila ng kasiyahan sa mga tao.

Ayon pa sa report ng PEP, lubos ang pasasalamat ni Willie sa kanyang dating network na ipinagkatiwala sa kanila ang kanilang transmitter at antenna. Kung hindi dahil dito, hindi magiging posible ang AMBS sa libreng TV.

Credit: AMBS 2/Instagram

“Hindi nila ipinagdamot, e. Sa totoo lang, in fairness, ang bait din nila para hindi ipagdamot. Puwede naman nilang hindi ibenta ‘yan pero ibinenta pa rin nila. Salamat ho. Nakakatuwa naman, thank you so much.”

Pinasalamatan din ni Willie ang mga big bosses ng ABS-CBN na sina chairman Carlo Katigbak, Mark Lopez, Gabby Lopez, at iba pa.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan