Pinuna ng showbiz columnist at talent manager na si Ogie Diaz ang production number ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga sa launching ng AllTV network.
Nagkomento si Ogie sa performance ni Toni sa kanyang post sa Facebook. Nang mapanood niya ang nabanggit na performance, na nakatanggap na ng milyun-milyong view online, pasimple raw siyang ngumisi.

Ang talent manager ay naninindigan na ang kalidad ng audio ng performance ni Toni ay hindi maganda para sa ilang kadahilanan.
Ayon kay Ogie, “Nangiti lang ako nu’ng una, eh. Hanggang sa mapabungisngis na ako kalaunan habang pinanonood ang prod ng aking kumareng Toni. Ganitong-ganito ‘yung mga napapanood ko sa GMA Supershow ni Kuya Germs nu’ng araw.”
Pinayuhan din niya ang bagong network na dapat ay bumili ito ng mga de kalidad na mga sound system equipment para mas bongga ang kalalabasan ng performance ng mga artist. Iniisip din niya na kapag nakita ni Toni ang kanyang performance sa AllTV ay hindi niya ito maa-appreciate.

“Pero sana, mag-invest nang bongga sa sound system o sa recording. Baka kahit si Toni kung panonoorin uli ito, hindi niya ipagmamalaki yung performance niya, eh. Lalo na yung audio niya,” dagdag pa niya.
Inamin ni Ogie na hindi maiiwasang magkaroon ng mga pagkakamali, lalo na sa pagsisimula ng network. Ngunit binigyang-diin niya na ang audio at sound system ay napakahalaga para sa mga mang-aawit.

Matatandaan na bukod kay Ogie, kinuwestiyon din ng ilan pang netizens ang performance ng host na talaga namang pinag-uusapan. Meron ding ilang netizens na nagsabi na mukhang pang “baranggay fiesta” at “Christmas party” ang naging performance ni Toni.
Si Toni ay pormal na pumirma ng kontrata sa Advanced Media Broadcasting System (AMBS), ang media outlet na pinamamahalaan ng bilyonaryong si Manny Villar, sa simula nitong buwan.
Ang launching ay pinangunahan ni Toni at Willie Revillame, na miyembro ng committee na pumipili kung aling mga programa ang ipapalabas sa network. Pumirma rin ng kontrata sina Ciara Sotto at Mariel Padilla sa bagong network.
Kasalukuyang hawak ng AMBS ang mga frequency na pag-aari ng ABS-CBN.
READ ALSO:
Everything is very open with a really clear description of the issues. It was definitely informative. Your website is useful. Thank you for sharing!