Production number ni Ella Cruz sa AllTV inihambing sa “barangay performance” ng mga netizens

Hindi naging mabait ang ilang mga netizens sa pagpapahayag ng kanilang kawalang-kasiyahan sa production number ni Ella Cruz sa opening ng bagong network na AllTV.

Si Ella, na tinaguriang “Millennial Dance Princess,” ay mukhang hindi na meet ang expectations ng ilang manonood sa kanyang debut production number sa AllTV noong Setyembre 13. Makikitang sumasayaw si Ella sa kanta ng Korean-American rapper na si Jessi na Zoom kasama ang mga Wowowin dancers.

Credit: AllTV/Facebook

Habang isinusulat namin ang balitang ito ay mayroon nang 65,000 “laugh reactions” ang performance ni Ella sa Facebook page ng AllTV. Nagpahayag din ng kanilang bayolenteng reaksyon ang mga metizens tungkol dito.

Credit: Ella Cruz/Instagram

Ayon pa sa isang nag-komento na nagmukha raw itong isang Zumba dance class. Ang ilang netizens naman ay sinabing mukha itong performance sa isang “Christmas party.”

Narito ang ilan sa komento ng mga netizens:

Sa kabila ng pambabatikos ay may iilan pa rin naman na sumusuporta kay Ella. Katulad nito:

Credit: ALLTV/Facebook

Sa unang bahagi ng taong ito ay nakuha ng Advanced Media Broadcasting System ni Manny Villar ang mga frequency na dati nang inookupahan ng ABS-CBN. Ang paglulunsad ng bagong network ay naganap noong Setyembre 13.

Credit: Ella Cruz/Instagram

Ang opening ng AllTV ay pinangunahan ng Ultimate Multimedia Star na si Toni Gonzaga, na kakapirma lang ng kontrata sa AMBS noong nakaraang mga araw, at Willie Revillame, na miyembro ng committee na pumipili kung aling mga programa ang ipapalabas sa network.

Pumirma rin ng kontrata sina Ciara Sotto, Mariel Padilla at brodkaster na si Anthony Taberna sa bagong network.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan