Chiz Escudero “laging absent” sa Senado para makaiwas sa tanong tungkol kay Heart Evangelista?

Palagi diumanong absent ngayon sa Senado si Senator Chiz Escudero at ang diumano’y dahilan nito ay ang pag-iwas niyang matanong tungkol sa status ng relasyon nila ng Kapuso actress at asawang si Heart Evangelista.

Hindi pa tapos ang mainit na balitang paghihiwalay na kinasangkutan nina Heart at Chiz, lalo na’t wala pa ring nagsasalita tungkol dito. Sa paglipas ng mga araw pagkatapos magsimulang kumalat ang mga tsismis, lumitaw din ang mga bagong isyu.

Credit: Chiz Escudero/Instagram

Iba-iba rin ang opinyon ng mga netizens sa isyung ito tungkol sa sikat na mag-asawa. Sa kabilang banda, may mga umaasa pa rin na magiging okay ang lahat kina Heart at Chiz anuman ang pinagdadaanan nila bilang mag-asawa.

Sa isang Showbiz Update vlog kamakailan ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, isa ito sa mga pinag-usapan nila ng kanyang co-host na sina Dyosa Pockoh at Mama Loi. Binigyang-diin ni Ogie ang isyung ibinabato laban kay Sen. Chiz na nabuntis daw niya ang isang miyembro ng kanyang staff.

Credit: Heart Evangelista/Instagram

Binanggit din niya na may usap-usapan na bihira umanong pumunta sa Senado ang mambabatas nitong mga nakaraang araw. Ang dahilan diumano ng madalas niyang pagliban ay ang pag-iwas niya sa mga reporter dahil ayaw niyang matanong tungkol sa naging isyu nila ni Heart kamakailan.

Ayon pa kay Ogie, “Hindi raw nagpapapasok si Chiz sa senado. Dahil feeling daw ng mga nasa Senado, naiintindihan nila si Chiz bakit hindi ito nagpapapasok.”

Credit: Chiz Escudero/Instagram

“Baka pagkaguluhan daw ng mga reporter at itanong sa kanya si Heart. Kaya hindi raw nagpapasok si Chiz lately. Ilang araw na daw ‘yung absent,” dagdag pa niya.

Dahil dito, sinabi ni Ogie na marahil ay totoo ang mga tsismis tungkol kina Heart at Chiz dahil umiiwas ang huli na harapin ang mga reporters.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan