“Mayroong kulang” iyan ang sambit ng ilang dismayadong mga netizens tungkol sa seryeng Darna na tampok si Jane de Leon .
Isa ang Darna sa pinakaaabangan na proyekto ng ABS-CBN. Matagal na itong hinihintay ng mga fans dahil unang inanunsyo ang proyekto bago ang pandemic. Dahil sa pandaigdigang problema sa kalusugan at ilang mga kadahilanan, ang proyekto ay ipinagpaliban ng ilang beses.

Nang sa wakas ay inanunsyo ang petsa ng pagpapalabas, hindi maiiwasang magkaroon ng excitement ang mga netizens. Kung tutuusin, medyo matagal silang naghihintay bago ito tuluyang naipalabas.
Isang sikat na showbiz site ang nagbahagi nitong kamakailang Instagram Story na ibinahagi ni Jane. Ipinakita ng aktres na nasugatan ang kanyang kamay pero fighting mode pa rin siya.
Ayon sa kanyang caption: “The show must gon on.”

Sa comment section ng post, karamihan sa mga netizens na nagbahagi ng kanilang mga komento ay hindi konektado sa injury na mayroon si Jane.
Ayon sa isang netizen, “But the low rating will. Ang chaka ng Darna, maganda lang sa umpisa.”
Sumang-ayon dito ang ibang netizens. Maganda raw ang serye noong unang linggo nito pero sa sumunod na linggo ay hindi na sila pinahanga ni Darna. May isang nagbahagi pa na ang kanilang excitement ay madaling naglaho. Isa pang netizen ang nagkomento na nasayang ang budget para sa proyektong ito.
May mga nagsabi rin na may kulang sa serye pero hindi nila matukoy kung ano. Sinabi pa ng ilang netizens na sana ay mapalitan na ang serye ni Jane ng Flower of Evil, ang Pinoy version ng South Korean series, kung saan tampok sina Lovi Poe, Paulo Avelino at Kapamilya hunk na si Piolo Pascual.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:


