Ion Perez, niregaluhan ng “Unreleased Yeezy” ang asawang si Vice Ganda

Masaya ang Unkabogable star na si Vice Ganda sa hindi inaasahang sorpresa na ibinigay ng kanyang partner na si Ion Perez.

Ang “Its Showtime” hosts na sina Vice at Ion ay kabilang sa mga mag-asawang hinahangaan ng mga miyembro ng LGBTQIA+ community. Noong nakaraang Oktubre 19, 2021 ay ikinasal ang dalawa sa sikat na “The Little Las Vegas Chapel” sa Amerika.

Credit: Vice Ganda/Instagram

At tila mas lalo pang tumitibay ang pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa. Sa latest vlog ni Ion ay makikitang super sweet ito kay Vice. Naghanda rin ito ng isang simpleng sorpresa para sa kanyang superstar na asawa.

Binili ni Ion ang Yeezy Insulated Boot na “Khaki” para kay Vice. Ang parehong pares na sinubukan niya habang sila ay nasa New York ngunit hindi nila nabili. Nakahanap siya ng paraan para mabili ito at para maihabol sa kanilang monthsary.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Ayon sa isang post mula sa Sneaker News, ang pares ng sapatos na ito ay binubuo ng dalawang bahagi – Yeezy foam runner-like sole unit at isang quilted nylon body. Ito ay walang lace at nagtatampok ng velcro strip sa gilid na natatakpan ng insulated at padded fabric.

Ang presyo nito ay $340 USD o humigit-kumulang Php 19,519.74.

Watch the full vlog here:

Bukod sa sapatos ay binigay din ni Ion ang mga binili niya para kay Vice noong pumunta siya sa Japan. Wala namang naibigay si Vice para sa asawa pero kuntento na siya sa ngiti na nakapinta sa mukha nito habang binubuksan ang mga regalong inihandog niya.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan