Vhong Navarro, nahaharap sa isa pang kaso, no bail approved

Inilabas ng Taguig Metropolitan Court ang warrant of arrest laban sa Kapamilya host at aktor na si Vhong Navarro dahil sa acts of lasciviousness na inihain ng modelong si Deniece Cornejo.

Sa ulat ni Mike Navallo ng ABS-CBN, nagpunta si Vhong sa National Bureau of Investigation para magpiyansa ng P36,000, ayon sa kanyang abogadong si Alma Mallonga.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Noong nakaraang Hulyo, pinagbigyan ng Court of Appeals (CA) ang apela ni Deniece at binigyan ng isa pang pagkakataon na ilabas ang kanyang panig sa mga alegasyon ng sexual harassment na inihain niya laban kay Vhong.

Sa 26-pahinang desisyon na nilagdaan ni Associate Justice Florencio M. Mamauag Jr., iniutos ng korte sa Office of the City Prosecutor ng Taguig na magsampa ng Rape by Sexual Intercouse sa ilalim ng Article 266-A ng Revised Penal Code at Republic Act 8353, at Acts of Lasciviousness sa ilalim ng Article 336 ng Revised Penal Code laban kay Vhong.

Credit: Instagram

Isinaad din nito na binaliktad at isinantabi ang mga resolusyong ipinahayag ng Department of Justice noong Abril 30, 2018 at Hulyo 14, 2020.

Samantala, isa pang warrant of arrest ang inilabas ng Taguig Regional Court Branch 69 laban sa aktor para sa kasong rape. Kasalukuyang nakakulong ang aktor sa NBI dahil walang inirekomendang piyansa ang ikalawang warrant.

Credit: Niko Baua/Twitter

Pinirmahan ni Judge Loralie C. Datahan ng Taguig-RTC Branch 69 ang pag-aresto sa aktor sa ilalim ng Article 266-A (1) ng RPC na inamyenda ng R. A. 8353.

Ang muling pagkabuhay ng kaso ay ikinadismaya ng aktor at hindi niya itinago ang kanyang nararamdaman. Hindi rin siya mag-iisyu ng public apology dahil kapareho lang daw ito ng pag-amin sa krimen na hindi niya ginawa. Dati ay idiniin niya ang kanyang pagiging inosente ngunit inamin niya ang kanyang pagtataksil noon.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.