Cedric Lee mayroong reaksyon tungkol sa pagkaka-aresto kay Vhong Navarro

Sumuko na sa National Bureau of Investigation ang Kapamilya talent na si Vhong Navarro at hindi napigilan ni Cedric Lee ang magkomento tungkol dito.

Si Vhong ay nahaharap sa dalawang warrant para sa mga kaso tulad ng rape at para sa acts of lasciviousness. Nakapagpiyansa siya sa huli ngunit sa mga dating kaso ay nakulong siya. Walang piyansa ang kaso at ito ang mga kasong isinampa ng modelong si Deniece Cornejo hinggil sa insidente noong 2014.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Itinayo na ang “We Stand With Vhong” at nagpahayag ng suporta sa kanya ang Its Showtime hosts. Sumuko na rin siya sa National Bureau of Investigation (NBI) noong Martes, Setyembre 20, at sinabi ng kanyang abogado na si Alma Mallonga na hindi sila titigil sa paghingi ng reconsideration sa utos na maglabas ng warrant of arrest.

Ayon pa kay Mallonga, si Vhong ay biktima ng mga krimen ng Serious Illegal Detention at Grave Coercion.

Nag-react naman dito si Cedric Lee, isa sa mga lalaking nanakit kay Vhong noong 2014.

Ayon kay Cedric, “He has to face all the charges against him. Just like we did. I feel slightly vindicated because finally, we will have our day in court after almost 9 years.”

Credit: ABS-CBN News/Twitter

Si Cedric ay binigyan ng awtorisasyon ni Deniece na tumanggap ng warrant of arrest. Idinagdag niya na kailangan nang sagutin ni Vhong ang lahat ng krimen na ginawa niya at ang kanyang mga biktima dahil hindi na niya maitatago pa ito dahil nasa kulungan na si De Lima,patay na si Calvento, at wala nang prangkisa ang ABS-CBN.

Credit: ABS-CBN News/Twitter

Noong 2018 ay hinatulang guilty sina Cedric, Deniece, at Jed Fernandez sa kasong grave coercion kaugnay ng mga kasong isinampa ni Vhong. Sinaktan at ikinulong sa condo unit ni Deniece si Vhong noong 2014 at sapilitang pinapaamin sa isang krimen na hindi niya ginawa sa pamamagitan ng pagpirma sa isang police blotter.

Samantala, gumawa namn ng ilang kontrobersyal na post ang dating VJ na si Kat Alano kasunod ng pag-aresto kay Vhong kamakailan lang.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.