Ex VJ Kat Alano nagkaroon ng pag-asa dahil sa pagkaka-aresto ni Vhong Navarro

Sinabi ng dating model at VJ na si Kat Alano na nakakita siya ng “glimpse of justice” matapos ipag-utos ng korte na arestuhin ang aktor at TV host na si Vhong Navarro para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa laban sa kanya ng modelong si Deniece Cornejo.

Si Kat, na noong 2020 ay nagsalita tungkol sa panggagahasa sa kanya ng isang celebrity na ang pangalan ay “rhymes with wrong,” ay gumawa ng serye ng mga misteryosong post sa kanyang Twitter page noong Setyembre 19.

Ayon pa sa post ni Kat, “After 17 years…Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”

Pagkatapos ay binanggit ni Kat ang kanyang pahayag ilang taon na ang nakalipas sa pamamagitan ng paggamit ng parehong hashtag na ginamit niya noon, ang “#rhymeswithwrong.”

“Keep using God’s name to proclaim innocence. God saw you rape us. #rhymeswithstrong,” dagdag pa niya.

Ibinulgar ni Kat noong 2020 na siya ay ginahasa ng isang “sikat na celebrity” na umano’y nagdroga sa kanya at nagsagawa ng “smear campaign” para sirain ang kanyang karera. Hindi niya binanggit ang pangalan ng celebrity at ginamit lamang niya ang hashtag na “#rhymeswithwrong”.

Naging trending topic sa Twitter ang pangalan ni Vhong matapos ibahagi ni Kat ang kanyang kuwento.

Samantala, pinasiyahan ng Taguig City Court na may probable cause para litisin si Vhong at iutos na arestuhin siya sa kasong acts of lasciviousness ni Deniece. Hiwalay ito sa kasong panggagahasa laban sa kanya sa Taguig Regional Trial Court.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Inakusahan ni Deniece si Vhong ng panggagahasa sa kanya sa loob ng kanyang condominium unit noong Enero 2014, pagkatapos ay sinabing may nauna pang insidente na nangyari sa parehong buwan.

Sumuko na si Vhong sa National Bureau of Investigation, ngunit nanindigan ang kanyang kampo na biktima siya ng serious illegal detention at grave coercion. Iginiit din ng host ng It’s Showtime na siya ang biktima sa kaso at sinabing alam ng Panginoon na nagsasabi siya ng totoo.

Samantala, nakakuha naman ng simpatiya si Kat mula sa ilang netizens. Narito ang ilan sa kanilang mga komento:

“My husband and I watched your episode at GTWM years ago. We were heartbroken. And we’d been disgusted at the sight of that guy celebrated and supported on national tv. We are happy you feel peace now. We stand with you. We believe you.”@misbebang

“I can feel the answered prayer for you Kat, were always behind you!”@inspiredBluJay

“I always believe in you, Kat. Sana lang magising na rin ibang taong nagtatanggol sa kanya.” – @tracypalntlady

“Hopefully justice will be served this time. Praying for your complete healing.”@minarikart

Share this article
Erie Swan