Adam Levine itinanggi ang panloloko sa asawa ngunit inamin na naging marupok siya

Sa wakas ay binasag na ng Maroon 5 lead vocalist at The Voice judge na si Adam Levine ang kanyang katahimikan tungkol sa eskandalong kanyang kinasasangkutan.

Sa isang nakaraang artikulo ay may ibinulgar ang social media influencer na si Sumner Stroh tungkol kay Adam. Sinabi niya na nagkaroon sila ng relasyon ni Adam na tumagal ng halos isang taon. Gayunpaman, ilang sandali matapos itong nahinto ay muling nakipag-ugnayan sa kanya ang mang-aawit at muling bumalik sa kanyang buhay.

Credit: Adam Levine/Instagram

Ayon pa kay Sumner, noong mga panahong iyon ay siya ay bata pa at wala pang muwang kaya madali siyang namanipula at napaniwala ni Adam. Inilantad din niya ang ilan sa mga personal na mensahe ng singer na ipinadala sa kanya. Sa isang mensahe ay ibinulgar ni Sumner na gusto ni Adam na ang kanyang ikatlong anak sa kanyang asawang si Victoria’s Secret Angel Behati Prinsloo ay ipangalan sa kanya.

At ngayon, sa wakas ay binasag na nga ni Adam ang kanyang katahimikan. Sa isang Instagram story ay ibinahagi niya ang ilang paglilinaw tungkol sa kontrobersiya. Inamin ng singer na nagkaroon ng pagkakataon na naging mahina siya.

Credit: Behati Prinsloo/Instagram

Ngunit ay nilinaw niya na hindi siya nagkaroon ng anumang extra marital affair. Wala diumano siyang naging karelasyon pero inamin niya na nagkamali siya at pinagsisisihan na niya iyon.

Credit: Sumner Stroh/Instagram

Aktibo umano siya para resolbahin ang problema sa pagitan nilang mag-asawa. Ang tanging inaalala lamang niya ay ang kanyang asawa at ang kanilang pamilya at ang pagiging marupok ay ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya sa kanyang buhay.

Narito ang buong statement ni Adam:

Credit: Adam Levine/Instagram

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.