Ruffa Gutierrez may nilinaw tungkol sa kanyang paglabas sa ALLTV

Nilinaw ng aktres na si Ruffa Gutierrez ang tungkol sa kanyang paglabas sa ALLTV, ang bagong network sa ilalim ng Advanced Media Broadcasting System (AMBS) ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Sa maraming taon ay gumagawa na ng projects si Ruffa sa ABS-CBN. Regular din siyang judge sa Miss Q & A segment ng It’s Showtime. Gayunpaman, maraming Kapamilya fans ang nagulat nang lumabas siya sa ALLTV sa soft launching nito noong Setyembre 13.

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Ang bagong network ay sumasakop na ngayon sa mga frequency na dating inookopahan ng Kapamilya network. Dahil dito, inakala ng maraming netizens na opisyal na niyang makakasama sina Willie Revillame, Ciara Sotto, Mariel Padilla, Ella Cruz, Anthony Taberna at Toni Gonzaga bilang mga talent ng AMBS.

Sa isang Instagram post kamakailan, base sa artikulo sa PEP ay tinanong si Ruffa tungkol sa mga espekulasyon na lilipat na siya sa ALLTV. Tinanong siya ng isang netizen kung talent na ba siya ngayon ng bagong channel.

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Iginiit ng aktres na siya ay isang freelancer at pwede siyang magtrabaho sa kahit saang network.

Ayon kay Ruffa, “I am a freelancer. No exclusive contract with any network. I am allowed to work with everyone.”

Isa pang netizen ang nagtanong sa aktres kung aalis na ba siya sa It’s Showtime. Ilang araw na kasi siyang absent sa show. Nilinaw ni Ruffa na naka-leave lang siya.

“HIndi ko iniwan ang @itsshowtime. I’m on vacation po,” dagdag pa niya.

Credit: Ruffa Gutierrez/Instagram

Samantala, alam ng marami na naging kontrobersyal ang naging appearance ni Ruffa sa Kapamilya noontime show noong nakaraang buwan. Ito ay dahil sa tila nagniningas na mga salita na ipinakipagpalitan niya sa kapwa Miss Q & A judge na si Kaladkaren Davila.

Dahil doon ay may mga nag-iisip na may conflict sa pagitan nila. Gayunpaman, kapwa itinanggi nina Ruffa at Kaladkaren na may alitan sila at idiniin pa nilang mabuti silang magkaibigan.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.