Si Amila Sabine Homan ang bundle of joy ng aktres na si Angelica Panganiban at partner nitong si Gregg Homan.
Noong Martes, Setyembre 20 ay isinilang ni Angelica si Amila Sabine, ang una niyang anak kay Gregg. Ginawa niya ang anunsyo sa Instagram noong Biyernes, Setyembre 23.

Ibinahagi din niya ang isang sulyap sa kanyang anak sa pamamagitan ng pagbabahagi ng larawan ng mga mata ng bagong silang.
Ayon pa sa caption ni Angelica, “Bean waiting for you all my life.”

Kung maaalala ay kinumpirma ni Angelica na noong Enero 1, 2022 na boyfriend na nga niya si Gregg. Ipinagdiwang din nilang dalawa ang kanilang 2nd year anniversary noong Hulyo 11, 2022.
At noong Marso 2022 ay inihayag ni Angelica ang kanyang pagbubuntis at sinabing ito na ang pinakamahalaga at pinakahihintay niyang tungkulin na gagampanan sa buhay – ang pagiging isang ina.

At sa naging post ni Angelica ay maraming celebrity ang nagpadala ng kanilang pagbati sa bagong momshie.
Narito ang ilan sa kanilang mga komento:



Sa isang nakaraang artikulo, bilang isang malapit nang maging isang ina, ibinahagi ni Angelica na sa kabila ng lahat ng mga plano at paghahanda na ginawa nila, hindi pa rin sila handa na maging isang magulang. Wala mang katiyakan ngunit isang bagay ang sigurado siya, gusto niyang maging isang ina at magkaroon ng sariling pamilya.
READ ALSO: