Korina Sanchez, may bagong show; asawang si Mar Roxas kinukumbinsing mag-guest

Nag-react ang batikang journalist at TV host na si Korina Sanchez sa mungkahi ng mga netizens na kapanayamin ang kanyang asawang si dating Senador Mar Roxas.

Mula sa pagiging reporter, news anchor, at talk show host, si Korina ay isang iginagalang na personality sa kanyang larangan. Sa paglipas ng mga taon, nakapanayam na niya ang mga kilalang tao sa Pilipinas at sa ibang mga bansa.

Credit: Korina Sanchez/Instagram

Bukod sa kanyang Rated Korina magazine show, nakatakda siyang magkaroon ng kanyang bagong show na tututok sa mga one-on-one na panayam. Magkakaroon siya ng Korina Interviews show sa Net25 na magsisimulang ipalabas sa Oktubre 2.

Sa isang panayam kamakailan, base sa artikulo sa Bandera, nagpahayag ng kaligayahan si Korina na mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng ganitong klaseng palabas. Ibinahagi din niya na nakatanggap siya ng mga alok mula sa ibang network dahil isa na siyang freelancer.

Credit: Facebook

Nabanggit din niya na nakatanggap siya ng mga mungkahi mula sa mga netizens para makapanayam ang kanyang asawa.

Ayon pa kay Korina, “Maraming nag suggest na rin sa akin ‘yan na interbyuhin ko si Mar at sagot ko nga kinukumbinsi ko pa.”

Credit: Facebook

Ibinahagi din niya na may ilang mga kolumnista na nag-imbita kay Mar sa isang panayam ngunit hindi ito pumayag.

“Parang ang gusto niyang role ngayon sa buhay, e, tatay nina Pepe and Pilar,” dagdag pa ng TV host.

Iniiwasan din daw ng asawa niya na tanungin siya tungkol sa pulitika.

Sa kabilang banda, sinabi ni Korina na susubukan niya ang mungkahing ito kung ito ay magre-rate. Nang tanungin kung sino ang gusto niyang makapanayam sa hinaharap, sinabi ni Korina na medyo marami ang nasa listahan niya.

“Marami akong gustong makapanayam depende na rin kasi some are contract stars of the other networks and some are very exclusive and very strict, so, there is a limitation and kakumpitensya mo rin iyong ibang personalities who is having own platforms,” paliwanag pa niya.

Ibinahagi rin ni Korina na para sa kanyang bagong show, nag-shoot na sila ng one-on-one interviews nina Sylvia Sanchez, Vicki Belo at Sen. Loren Legarda.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *