Luis Manzano nakikipag-negosasyon na kay Willie Revillame para sa pagpasok niya sa ALLTV

Nakikipag-negosasyon diumano ang aktor at TV host na si Luis Manzano sa beteranong host na si Willie Revillame para sa isang palabas sa ALLTV, ang bagong network na pagmamay-ari ng business tycoon at dating senador na si Manny Villar.

Bukod sa pagiging host sa kanyang game show na Wowowin sa ALLTV, consultant din si Willie ng bagong network. Isa siya sa mga taong gumagawa ng desisyon pagdating sa mga palabas at artista.

Credit: Luis Manzano/Instagram

Sa isang panayam kamakailan, batay sa artikulo sa Inquirer, inaasahan ni Advanced Media Broadcasting Systems (AMBS) President Maribeth Tolentino na mas marami pang artista ang sasali sa bagong network.

Ayon pa kay Tolentino, inaasahan na nilang sasali sa AMBS sina Luis, Noli de Castro, Korina Sanchez, Randy Santiago at Karla Estrada. Nauna nang sumali sa bagong network ang mag-asawang sina Toni Gonzaga at Paul Soriano, Ciara Sotto, Anthony Taberna, at Mariel Padilla.

Credit: ALLTV/Facebook

Ibinahagi ng TV executive na sinimulan na ni Willie ang negosasyon kay Luis.

Ayon kay Tolentino, “Tulad ng anumang negosyo, mayroong isang proseso bago pumirma ng isang kontrata. Mayroon ding tinatawag na pagsusuri ng mga abogado, na tumatagal ng oras. Nag-uusap na sina Willie at Luis kung anong mga programa ang magandang i-host ni Luis.”

Sinabi rin ng TV executive na kapag naayos na nila ang lineup ng mga programa, madali na lang sa kanila ang pagtanggap ng mga talent. Dagdag pa ni Tolentino, sa kasalukuyan, tumatanggap rin sila ng mga suhestiyon mula sa mga produksyon.

Credit: Facebook

Samantala, iginiit ni Tolentino na hindi na nila kailangang piratahin ang mga artista mula sa ibang network.

“The people we hire are those we want to work with and who also want to work with us. ‘Di namin kailangang mamirata,” giit pa niya.

Samantala, habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang reaksyon si Luis tungkol dito.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan