Angeline Quinto kumpirmadong engaged na sa kanyang baby daddy

Sa kanyang ginanap na concert ay kinumpirma ng Kapamilya singer na si Angeline Quinto na engaged na sila ng kanyang non-showbiz partner.

Maaalalang nataranta ang mga netizens sa social media ng makita ang isang larawan ni Angeline at ng kanyang boyfriend na si Nonrev Daquina. Sa larawan kasi ay makikita ang singer na nakasuot ng singsing at ang kilos ay tila nagmumungkahi na siya ay engaged na.

Credit: Angeline Quinto/Instagram

Ayon pa kay Angeline, napag-usapan na diumano nila ni Nonrev ang tungkol sa pagpapakasal. Sa katunayan, si Nonrev daw ang naunang magbanggit ng paksang ito sa kanya.

“Siya naman ang nag-o-open noon, e. Ang suwerte ko lang kasi naririnig ko sa kanya, ako yung gusto niyang makasama habang buhay, so yun,” paliwanag pa ni Angeline.

Credit: Angeline Quinto/Instagram

At kamakailan lang, sa isang segment ng kanyang show sa Amerika, nag-announce siya.

Kasalukuyang nasa Amerika si Angeline para sa kanyang “10Q” concert tour sa US at Canada. Kasama niya sa US tour ang vocal trio na sina Bugoy Drilon, Daryl Ong, at Michael Pangilinan o mas kilala sa tawag na Budakhel.

Credit: Angeline Quinto/Instagram

Sa isa sa mga segment ng palabas, kinumpirma ni Angeline ang kanilang engagement ni Nonrev.

“Espesyal ang gabing ito ngayon for me, para sa akin dahil nandito po sa audience ang soon-to-be mother-in-law ko. Ang nanay po ng aking fiancé ay nandyan,” bulalas ni Angeline.

Sa Instagram ay nagbahagi rin ang singer ng ilang pahiwatig tungkol sa magiging bagong yugto ng kanyang buhay.

Credit: Angeline Quinto/Instagram

Sa kasalukuyan ay wala pang sinasabing detalye sina Angeline at Nonrev tungkol sa magiging petsa at lugar ng kanilang kasal.

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.