Hindi pa kinukumpirma nina Erika Rae Poturnak at Kobe Paras ang kanilang relasyon pero parang may hiwalayan nang nangyari bago pa man ang kumpirmasyon.
Si Kobe na anak ng aktres na si Jackie Forster ay hindi maipagkakailang isa sa pinakagwapo sa kanyang henerasyon. Isa siyang sikat na basketball player. Noong 2018, matatandaang nakipag-date siya kay Ateneo Lady Eagles Ponggay Gaston.

At nitong taon lang, lumabas sa social media ang tsismis tungkol sa pakikipag-date niya sa isang bagong babae. Ilang mga larawan ni Kobe kasama si Erika Rae kung saan sila ay nakunan na sweet at cozy sa isa’t isa ang pinagpyetasan sa social media.
Una silang nakitang magkasama sa isang beach trip na sinundan ng isang trip sa Bali, Indonesia. May larawan din na magkahawak ang kanilang mga kamay na na-upload online.

Sa isang nakaraang artikulo, ay nai-flex pa ng anak ni Ina Raymundo sa kanyang social media account si Kobe noong kanyang ika-25 taong kaarawan. Lumilitaw din na kamakailan lang ay nagpunta sila sa California nang magkasama.
Ngunit bago ang kumpirmasyon ng kanilang relasyon, lumitaw ang mga tsismis ng kanilang naudlot na relasyon. Ito na ba ang katapusan ng love story nina Kobe at Erik Rae?
Kasalukuyang kumakalat online ang umano’y breakup matapos mapansin ng maraming netizens na hindi na sila nagfo-follow sa isa’t isa sa Instagram.


Gayundin, binura ni Kobe ang lahat ng mga larawan mula sa kanyang IG feed kung saan kasama ang kanyang PDA photos kasama si Erika.

Ang kanya-kanyang magulang nina Kobe at Erika ay mga kilalang tao. Si Kobe ay anak nina Jackie at Benjie Paras habang si Erika ay anak ni Ina at ng isang non-showbiz foreigner.
READ ALSO: