Natuloy na sa wakas ang pinakahihintay na collaboration ng American hitmaker na si Jim Brickman at ng celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli.
Si Jim ay isang pop songwriter, radio host, at American Pianist. Nakakuha siya ng dalawang nominasyon sa Grammy.

Siya ay naging host din ng sikat na programa sa radyo na “The Jim Brickman Show” mula noong 1997. Nakatrabaho na rin ng 60 taong gulang na musikero ang ilang mga artist, kabilang sina Kenny Rogers, Michael Bolton, at Five for Fighting.
Kilala rin si Jim sa kanyang walang kamatayang mga hit, kabilang ang “The Gift,” “Destiny,” “Your Love,” at “Valentine.”

Noong nakaraang Marso, ay naimbitahan ni Jim sina Matteo at Sarah para sa isang collaboration. Nakipag-ugnayan siya kay Matteo sa pamamagitan ng pagpapadala ng isang simpleng tweet sa Twitter.
Ayon pa sa tweet ni Jim, “@matteoguidicelli collab? And @JustSarahG of course!”

Pagkatapos ay tumugon si Matteo sa imbitasyon ni Jim at sinabing ikinalulugod niyang makatrabaho ang Amerikanong musikero.
Ayon pa kay Matteo, “It would be great! An honor!”
Pagkatapos ay sinabihan siya ni Jim na magpadala ng private message sa Twitter para maayos na nila ang tungkol sa collaboration.

Sa wakas ay nangyari na nga ang kanilang pinakahihintay na collab. Sa Sunday episode ng “ASAP Natin To,” ginawa ng tatlo ang isang espesyal na bersyon ng “The Gift” ni Jim. Na-upload din ang video sa Youtube channel ni Sarah.
Sa kasalukuyan ay mayroon nang 298, 381 views sa Youtube ang collaboration nina Sarah, Matteo at Jim.
READ ALSO: