Vhong Navarro inisnab ng isang “kaibigan” na hiningan niya ng tulong

Ibinunyag ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz na inisnab ng isang kaibigan ang Kapamilya actor at host na si Vhong Navarro nang humingi ito ng tulong.

Kasalukuyang dumaraan si Vhong sa isang kontrobersyal na legal battle laban sa modelong si Deniece Cornejo. Dahil dito, nakakulong siya ngayon sa National Bureau Investigation (NBI). Sa sitwasyon niya ngayon, ay hindi niya nagagawa ang kanyang mga showbiz commitments.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Sa nakaraang panayam, ay sinabi ng It’s Showtime host na itutuloy niya ang kanyang showbiz engagements pagkatapos niyang makalaya. Gayunpaman, ang kanyang optimismo ay naglaho nang ito ay hinarangan ng kamakailang desisyon na inilabas ng Court of Appeals.

Binasura ng CA ang pakiusap ni Vhong na ibasura ang mga kasong isinampa laban sa kanya. Sa gitna ng hirap na pinagdadaanan niya ngayon, patuloy na nakakatanggap ang aktor ng pagmamahal at suporta mula sa kanyang mga kaibigan sa entertainment industry tulad ng kanyang It’s Showtime family at mga kapwa niya Streetboys members.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Gayunpaman, base sa sinabi ni Ogie sa kanyang Showbiz Update vlog kamakailan, may pagkakataon na nabigo si Vhong nang humingi ito ng tulong sa isang tinuturing niyang kaibigan.

Ayon pa kay Ogie, “Ang alam ko meron pa siyang hiningan ng tulong. Nagbakasakali siya na matulungan siya.” Ibinahagi rin ng talent manager na ang nasabing kaibigan ni Vhong ang sumagot ngunit ini-refer din siya sa iba.

Credit: Ogie Diaz/Youtube

Nang mag-follow up si Vhong, sinabi ni Ogie na hindi sumagot ang kaibigan.

“Seen lang,” dagdag niya. Nang tanungin ni Mama Loi kung blind item ba ito, natawa si Ogie.

“Hay naku, siyempre doon mo mate-test ‘yung mga tunay mong kaibigan sa panahon na kailangang-kailangan mo sila,” paliwanag pa ni Ogie.

Pinatotohanan naman ito ni Ogie dahil naranasan na niya diumano ang ganitong sitwasyon. Nalaman niya kung sino ang mga tunay niyang kaibigan noong siya ay dumaranas ng matinding problema sa kanyang buhay.

RELATED POST:

Share this article
Erie Swan