Vice Ganda nagparinig nga ba sa mga BBM supporters? “Guys, unity di ba?”

Sa kamakailang episode ng Its Showtime ay nakakuha ng samu’t saring reaksyon mula sa mga netizens ang pahayag ng main host na si Vice Ganda.

Nakatanggap ng suporta sina dating Vice President Leni Robredo at dating Senador Kiko Pangilinan mula sa isa sa mga pinakamalaking bituin sa industriya ngayon, si Vice Ganda. Maalalang inendorso ng Unkabogable star ang dalawang politiko ngunit nabigo silang manalo.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Sa isang nakaraang artikulo, ay rumesbak ang Kapamilya superstar sa mga akusasyon na ang habol lamang niya ay magkaroon muli ng bagong prangkisa ang ABS-CBN kaya niya sinuportahan ang Leni-Kiko tandem. Nilinaw niya na hindi na sila naghahabol ng bagong prangkisa dahil binili na ng ibang kumpanya ang kanilang channel.

Ayon pa kay Vice, “Wala na po kaming hinahabol na dating prangkisa dahil ang prangkisa namin ay may nagmamay-ari na at pagmamay-arian nila ‘yan nang ilang dekada. Wala na pong mahahabol ang ABS [CBN], kanila na po yun.”

“At yung sinasabi nilang ang habol… ang gusto lang namin… wala na pong inapply na franchise ang ABS [CBN], wala po. Kaya wala po kaming hinahabol na franchise,” dagdag pa niya.

Credit: Vice Ganda/Instagram

At ngayon na tapos na ang halalan, ang ilang mga tagahanga at tagasuporta ay tila hindi pa maka-move on. Sa sitwasyong kinakaharap ngayon ng bansa, tulad ng patuloy na pagbaba ng piso sa dolyar, walang tigil na pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin, at ang patuloy na pandemya, hindi naiwasang magbahagi ng ilang reaksyon ang mga netizens sa social media nang ang tila may pinaringgan ang Kapamilya superstar sa kanyang pahayag.

Sa kamakailang episode ng kanyang noontime show, isang clip ang kumalat online kung saan nahuli si Vice na nagsabing, “Guys, unity di ba?” tapos lumayo na may funny face.

Credit: Vice Ganda/Instagram

Nagsimula ang lahat nang sa isang segment ng laro nang ang ibang hosts na sina Ryan Bang at Kim Chiu ay pumuwesto sa mga maling lugar.

Panoorin ang clip sa ibaba:

Narito naman ang ilan sa mga komento ng mga netizens:

Credit: Twitter
Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.

3 thoughts on “Vice Ganda nagparinig nga ba sa mga BBM supporters? “Guys, unity di ba?”

  1. With havin so much written content do you ever run into
    any issues of plagorism or copyright infringement? My site has a lot of exclusive content I’ve either authored
    myself or outsourced but it appears a lot of it is popping it up all over the internet without
    my agreement. Do you know any techniques to help stop content from being ripped off?
    I’d truly appreciate it. maglia napoli 2022 prezzo
    JulianBar juventus drakt Maybelleo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *