Vhong Navarro ‘umiiyak’ sa loob ng kulungan ayon kay Cristy Fermin

Ibinahagi ng batikang showbiz columnist na si Cristy Fermin na humahagulgol sa loob ng detention center ang Kapamilya talent na si Vhong Navarro.

Sa kasalukuyan ay nasa kustodiya pa rin ng National Bureau of Investigation (NBI) si Vhong. Noong Setyembre 19, kusang-loob siyang sumuko sa mga awtoridad matapos maglabas ng warrant of arrest laban sa kanya para sa kasong acts of lasciviousness na isinampa ni Deniece Cornejo.

Credit: Vhong Navarro/Instagram

Nag-post siya ng piyansa ngunit dumating ang warrant of arrest para sa kasong panggagahasa laban sa kanya nang walang inirekomendang piyansa kaya siya ay ikinulong.

Sa katatapos na Showbiz Now Na episode, pinag-usapan ni Cristy, kasama ang kanyang mga co-host na sina Morly Alinio at Romel Chika, ang tungkol sa kontrobersyang kinasasangkutan ni Vhong. Aniya, naghahanda na ang kampo ng It’s Showtime host na maghain ng petition for bail. Habang isinusulat namin ang balitang ito ay wala pang update tungkol sa bagay na ito.

Pinatunayan ni Cristy na mabuting tao at magalang si Vhong. Sinang-ayunan naman ito ni Morly na nakita raw niya ang kabaitan ng aktor.

Credit: Youtube

Habang nagpapalipas ng oras si Vhong ngayon sa loob ng detention center ay ibinahagi ni Cristy na ibinunyag ng kanyang source na mahirap ang pinagdadaanan ng actor-host sa ngayon.

Ayon kay Cristy, “Merong nagkuwento sa akin na isang kaibigan na humahagulgol si Vhong Navarro sa loob ng piitan.”

Sinabi ni Cristy na nag-aalala rin si Vhong sa kanyang pamilya sa gitna ng legal battle na kailangan niyang pagdaanan. Ibinahagi rin ni Cristy na walang ganang kumain si Vhong. Sa gitna ng legal battle na ito, sinabi ng beteranong kolumnista na umaasa siyang magaganap ang pagdinig para sa kasong ito habang wala na si Vhong sa loob ng detention center ng NBI.

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *