Tinanong ang Kapamilya actress na si Kim Chiu sa isang panayam kamakailan kung handa na ba siyang tumanggap ng mas mature roles sa ngayon.
Si Kim ay gumaganap ng mga wholesome roles sa mga pelikula at teleserye. Ang mga nakaraang proyekro niya kasama ang kanyang real-life partner na si Xian Lim ay kalimitang comedy. Ang huling pelikulang pinagsamahan nila ay ang ‘All You Need is Love’ noon pang 2015. Mas ma-drama naman ang bago nilang pelikula na ‘Always’, isang adaptation ng Korean movie na may parehong titulo.

Para sa Filipino version, ang pelikula ay inangkop sa screenplay ng award-winning na manunulat na si Mel Mendoza-Del Rosario. Ito ay sa direksyon ni Dado C. Lumibao. Sa pelikula, ginampanan ni Kim ang karakter ng isang bulag na babae habang ang karakter ni Xian ay isang dating boksingero at isang misteryoso’t malungkot na lalaki.
Sa isang nakaraang panayam, sinabi ni Kim na ang kanyang reunion movie kasama si Xian ay regalo nila para sa KimXi fandom. Sa paglipas kasi ng mga taon, sinuportahan sila ng kanilang mga tagahanga at maging ang kanilang mga indibidwal na proyekto. Suportado rin ni Kim ang career ni Xian bilang isang direktor.

Sa premiere night ng kanilang pelikula, base sa artikulo sa The Philippine Star, tinanong ang aktres kung handa na ba siyang tumanggap ng mga mas mature na roles.
Ayon kay Kim, “Matured, mas matured. Tingnan natin. Depende naman sa story. Parang itong ‘Always’ ano lang ‘to, kalma lang.”

Samantala, bukod sa pagiging artista at host sa It’s Showtime, may isang role na sineseryoso ngayon si Kim at ito ay ang pagiging supportive tita sa baby ni Angelica Panganiban kasama ang partner nitong si Gregg Homan.
Kamakailan lang, ibinahagi ni Angelica na marami na siyang natatanggap na regalo mula kay Kim. Matalik na magkaibigan ang dalawang aktres. Pabirong sinabi ni Angelica na baka hingin ni Kim ang kanyang baby kapalit ng lahat ng regalong ibinigay ng huli.
READ ALSO: