Barbie Imperial sinagot ang third party issue sa hiwalayang Carlo-Trina; “Hindi ako kabit”

Sinagot ng aktres na si Barbie Imperial ang tsismis na siya ang dahilan ng paghihiwalay ng aktor na si Carlo Aquino at model na si Trina Candaza.

Sa mga unang buwan ng taong ito, kinumpirma nina Carlo at Trina ang kanilang paghihiwalay ngunit hindi nila isiniwalat ang dahilan sa likod nito. Umalis si Trina sa kanilang tinutuluyan at lumipat sa sariling condo unit kasama ang kanilang anak.

Credit: Barbie Imperial/Instagram

Sa kabila ng kanilang paghihiwalay ay pinanatili pa rin nila ang isang mapayapang co-parenting relationship para sa kapakanan ng kanilang maliit na anak na babae.

At kamakailan lang, sa isang vlog ni Barbie ay sinagot niya ang akusasyon tungkol sa pagiging third party sa hiwalayang Carlo at Trina.

Ayon pa kay Barbie, “Gigil na gigil.”

Credit: Facebook

Tinugunan ng aktres ang mga tsismis at idiniin na ngayong taon lang sila nagkatrabaho ni Carlo. Sinabi ni Barbie na yung mga nag-aakusa sa kanya ay walang patunay na involve siya sa hiwalayan.

Ayon pa kay Barbie, “Parang ’yung mga tao gigil na gigil na maging kabit ako ‘no? Parang every time na may nagbi-break, ako talaga. Pero wala namang proof na ako talaga ‘yon. At saka, hello! Sinabi ko na ito sa last vlog ko, hindi nga ako kabit. Hindi, okay?”

Credit: Barbie Imperial/Instagram

Ang partikular na akusasyon na ito ay kabilang sa ilang mean comments na binasa at sinagot ni Barbie sa kanyang kamakailang vlog. Sa video ay inamin niya na minsan nakakaapekto sa kanya ang mga masasakit na komentong ito.

Panoorin ang buong video:

Nakakaapekto man ito sa kanya ngunit tinitiyak niya na ang mga komentong ito mula sa mga taong hindi niya kilala ay hindi papasok sa kanyang isipan. Medyo matagal na siya sa industriya at sa paglipas ng mga taon, nagiging immune na diumano siya sa mga ganitong uri ng komento.

At para sa mga taong dumaranas ng online bashing, pinayuhan niya ang mga ito na huwag makinig kung wala sa mga salitang ibinibintang sa kanila ay totoo.

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Rina Faye
Rina is a lifesaver turned passionate writer. She also loves the not-so-finer things in life.