Toni Gonzaga bagong endorser ng Shopee; nagpasalamat sa mga bashers

Mukhang hindi nabigla ang host at aktres na si Toni Gonzaga sa dami ng pambabatikos na natatanggap niya nitong mga nakaraang buwan, lalo na matapos i-anunsyo ang pagiging brand ambassador para sa e-commerce company na Shopee.

Sa isang media event kung saan siya opisyal na ipinakilala bilang Shopee Philippines ambassador, pinasalamatan ng maybahay ng direktor na si Paul Soriano ang mga internet users para sa online engagement bago ang launching.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Ayon pa kay Toni, “Since kahapon trending kami, ngayon nagpapasalamat kami sa mga netizens sa mga mentions and engagements, sila ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.”

Naging trending topic sa social media ang mga hashtag na #ByeShopee at BoycottShopee kasunod ng mga promotional videos na ipinapasilip na kasali na si Toni bilang brand ambassador ng kumpanya.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Ilang netizens ang nagpahayag ng kanilang pagkadismaya sa Shopee at pinilit pang tanggalin ang application sa kanilang mga telepono.

Sinabi rin ni Toni na tuwang-tuwa ang kanyang nakababatang kapatid na si Alex, na dating brand ambassador ng Shopee Philippines, sa pagsali niya sa pamilya ng Shopee lalo na’t naging loyal user siya nito sa loob ng maraming taon.

Credit: Toni Gonzaga/Instagram

Sa katunayan, naging abala si Toni sa pamimili ng mga goodies at materyales sa paghahanda ng isang handaan para sa ikaanim na kaarawan ng kanyang anak na si Seve.

Samantala, narito naman ng iba’t ibang reaksyon ng mga netizens tungkol dito:

“I think by this time record holder na si Toni G as “the most HATED active showbiz personality in the PH” – @datumx11

“So cancelling really works ah! May power nga talaga ang 15m! Its 5:30pm and the Face reveal of Toni G promised at 3pm did not appear on any of @ShopeePH platform!” – @johnnytamad

“Is it true that Toni G is now the endorser of Shopee? Time to migrate to Lazada!” – @GaudiQuiballo

“Brands be like, ‘Let’s get Toni G. as endorser for the hype & engagement.’ Hindi ba naisip ng Kakampinks that they’re helping the marketing team of Shopee? That’s 251K tweets! Now, the Uniteam na walang muwang sa online shopping eh mapapadownload ng Shopee just to fight back.” – @iamwhatiam300

Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?

Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo

READ ALSO:

Share this article
Erie Swan