Naglabas ng pahayag ng pagsuporta ang online shopping platform na Shopee sa gitna ng pamba-bash laban sa kanilang bagong endorser na si Toni Gonzaga.
Nagagalak ang Shopee PH sa pagkuha kay Toni bilang bagong endorser nito. Ngunit ang nangungunang e-commerce operator ay nakatanggap ng pambabatikos mula sa ilang mga netizens sa social media. Marami ang nanawagan na i-boycott ang app dahil kay Toni.

Kung maaalala ay kabilang si Toni sa mga pinakakontrobersyal na personalidad ngayon dahil sa kanyang paninindigan sa pulitika. Marami ang sumuporta sa kanya ngunit marami rin ang tumuligsa sa kanyang pag-endorso sa kandidatura ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr.
Sa pagpapakilala bilang bagong brand ambassador ng online app ay nagpahayag ng pasasalamat ang aktres sa mga netizens dahil ginawa nila siyang trending topic online.

Ayon kay Toni, “Mula kahapon trending kami, ngayon nagpapasalamat kami sa mga netizens sa mga mentions at engagements, sila ang dahilan kung bakit kami nandito ngayon.”
Sa ulat ng ABS-CBN ay tiniyak ng Shopee na sila ay nakatuon sa pagbibigay sa kanilang mga customer ng isang kasiya-siyang karanasan sa pamimili. Ipinagtanggol din nila ang kanilang bagong endorser.
Narito ang statement ng Shopee:
“We are extending the same level of commitment to our valued users with 10.10 Brands Festival through mas mura brand deals up to 50% off, back-to-back Super Brand Days, and our new brand ambassador Toni Gonzaga.”

Bago ang pagpapakilala kay Toni ay naging trending topic sa Twitter ang mga hashtag na #ByeShopee at #BoycottShopee. Ilang merchant din ang nagpahayag online na ililipat nila ang kanilang negosyo sa Lazada PH.
Gayunpaman, bukod sa pagkuha kay Toni bilang endorser ay ikinagalit din ng mga netizens ang katotohanan na nagkaroon ng malawakang tanggalan ng mga manggagawa ang Shopee habang binigyan naman daw nila ng isang multi-million endorsement ang asawa ni Paul Soriano.

Samantala, bago si Toni, ay naging endorser rin ng online shopping platform sina Kris Aquino at Manny Pacquiao. Kabilang sa mga kasalukuyang endorser ang pamilya nina Dingdong Dantes at Marian Rivera.
Ano ang masasabi mo tungkol sa balitang ito?
Follow us for more updates: Facebook @showbizmismo, YouTube @showbizmismo, and Twitter @showbizmismo
READ ALSO: